Chapter Twenty-One

54 30 1
                                    

Justin Bieber.

Isang buwan akong nag-leave sa trabaho para sa bakasyon at worth it naman. Kaso nga lang, kailangan ko nang bumalik. May isang linggo pa dapat ako pero nagkaroon daw ng emergency. Kailangan ko pa tuloy bumalik sa trabaho para maayos ang gulong yun.

Mabuti na nga lang at pumayag naman si Mira dahil kailangan na din daw nilang asikasuhin ni Rina yung cafe nila sa mall namin. Maging sina Gwen ay pumayag nang umalis kasi aasikasuhin pa n'ya ang kasal nila at si Bea naman ay ang anak n'ya.


Nakakatuwang isipin na talagang isinantabi nila ang mga mahalaga sa kanila para lang magbakasyon kasama kami. Alam namin na pinlano nila ito para sa amin ni Mira at nakakatuwa na todo suporta sila samin. Kaso nga lang, kung ano namang ikinasaya namin ni Mira ay ikinalungkot naman nina Leslie at Jeno. Nanghihinayang ako sa dalawa.


"Hay nako, Kuya. You need to leave na talaga, there's an emergency in the company and you have to be there," gusto ko nalang ipa-semento ang butas ng tainga ko para lang hindi ko na marinig pa ang nakakairitang boses ni Summer.

Nag-iimpake na ako nang mga gamit ko dahil kailangan na naming bumalik ng Manila pero etong si Summer, panay paalala parin. Di ba nga? Aalis na nga diba? Ewan ko sa babaeng 'to kung saan nagmana. The last time I checked, hindi naman mabunganga ang mama ni Summer nung nabubuhay pa ito. Ampon siguro talaga si Summer.

"Alam mo, imbes na ako ang kinukulit mo, mabuti pa mag-impake ka na at mauna ka na. Tutal, ikaw naman ang magmamana ng kompanya at hindi ako."


Ang mga gamit tuloy na iniisip ko ay nakakalimutan ko na dahil sa presensya ng ampon kong kapatid. Kapag ako may nakalimutan, si Summer talaga ang pababalikin ko dito para kunin yon.

"You know what, Kuya? I'm not really interested in the company, I want to be a housewife and besides, hindi ko na kailangan pang mag-impake. Yuri already did the packing for me," taas-noong sabi niya at nasapo ko nalang ang noo ko.


'Diyos ko, kaawaan n'yo po sana si Yuri. Dahil sigurado ako na magiging alipin lang s'ya ng kapatid ko. Kahit papaano naman ay kaibigan ko s'ya, so please po, kaawaan N'yo s'ya.'


Sa wakas ay natapos ko din ang pag-iimpake ko kahit na panay ang pangungulit ni Summer. Bukas pa naman ang flight namin pabalik sa Manila kaya nagtungo akong muli sa beach at sinulit na ang paglangoy.

Luminga-linga ako sa paligid at napa-kunot ang noo nang hindi ko matagpuan si Mira. Kaninang paggising ko ay wala din s'ya, maging sa tanghali ay wala din. Hapon na ngayon pero wala parin s'ya. Asan na yun?

Nilapitan ko sina Rina na nagpipicture sa tabi ng dagat. "Hindi n'yo ba nakita si Mira? Kanina pa s'yang wala ah."

"Si Mira? Nandyan lang yan sa tabi-tabi, baka kumakain." si Bea.

Nakakapagtaka naman na kanina pa s'yang nawawala. Tsaka si Mira, alam kong mahilig s'yang tumulog tuwing hapon. Kaya sigurado ako na dapat ay bumalik na s'ya sa cabin pero wala parin e.


Umusbong ang kaba sa dibdib ko nang hindi ko s'ya makita sa restaurant. Wala rin sa tabing-dagat at bumalik pa ako sa cabin just in case lang na nandon s'ya pero ang bumungad lang sa'kin ay ang natutulog na si Summer sa sofa.


Sinubukan kong tawagan ang phone n'ya pero cannot be reach. Maging si Jeno na naliligo sa dagat ay tinanong ko na pero kanina pa din daw n'yang hindi nakikita si Mira.

Nakailang tawag na ako at lumapit na din ako sa mga staff ng resort pero hindi daw nila nakikita si Mira. Sinubukan ko na ding ipacheck ang CCTV at tila nakahinga ako nang maluwag nang makita ko silang dalawa ni Leslie na lumabas ng cabin. Kaninang umaga pa ang footage na yun pero hindi parin sila bumabalik.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon