Hopeless.
"So, anong balak mo?" tanong sa'kin ni Yuri habang umiinom kami sa balkonahe ng kwarto ko.
Hating-gabi na at nandito parin s'ya. Ang sabi n'ya ay gusto n'yang makasama si Mavi pero heto s'ya ngayon, nakikipag-inuman sa'kin. So, sino ba talaga ang anak mo?
Nakatuon lang ang mga siko namin sa balkonahe at umiinom habang nakatanaw sa kalangitan.
"Sa totoo lang, hindi ko alam."
Napalingon s'ya sa'kin at bahagyang natawa. "Seryoso? Halos buong bakasyon mong kasama tapos ang isasagot mo lang sa'kin, hindi mo alam?"
"Baka nakakalimutan mong pitong taon na ang nakakalipas? Naiwan mo yata sa kulungan 'yang utak mo." biro ko sakanya at saka nilagok ang natitirang alak sa baso ko.
"Pero, wag kang magagalit ha. Nagustuhan ko talaga noon si Mira." pag-amin n'ya at hindi ko naman na ito kinagulat.
Hindi kami malapit sa isa't isa ni Yuri. Kung may bestfriend man s'ya ay si Jeno lang yun. Magkalaro lang kami noon at mula nang magtungo ako sa abroad ay wala na kaming komunikasyon sa isa't isa. Pero kahit na ganun, alam ko na hindi si Yuri yung tipo ng lalaki na magloloko sa babae.
Sa aming dalawa, ako naman itong masama. Nagkataon lang na nadala s'ya ng desperasyon kaya nagawa n'ya yun sa pamilya namin. Pero, kapag sinabi n'yang gusto n'ya ang isang tao ay totoo yun.
"Kaso, wala e. Naging desperado ako, sinunod ko ang gusto ni Papa. Lapitan si Summer at gamitin. Pero, alam mo? Habang nasa kulungan ako, siya lang yung nasa isip ko." pinagmasdan ko si Yuri at bakas sa mga mata n'ya ang lungkot at pagsisisi.
"Wala naman s'yang kasalanan tapos ginamit ko s'ya. Tsaka, eto. Secret lang natin 'to ah." lumapit s'ya sa'kin at luminga-linga muna sa paligid bago bumulong. "Nung araw na panganganak ni Summer, nandun ako."
Halos lumuwa sa gulat ang mga mata ko. Pangisi-ngisi lang s'ya sa tabi at saka kinuha ang phone mula sa bulsa n'ya.
"Ginagago mo ba ako?" inis na tanong ko. Imposibleng nandun s'ya, nakakulong s'ya nun at mahigpit ang pagbabantay sakanya.
Kahit nung nakalaya na s'ya ay may bantay parin kami kay Summer at Mavi kaya imposibleng malapitan n'ya ang mga ito.
"Oh? I have my ways, Tol." pinakita n'ya sa'kin ang litrato ng bagong silang na si Mavi sa phone n'ya. Nililinisan pa ito dahil puno pa ito ng dugo.
May isa pang litrato na tulog si Summer habang si Mavi ay nasa tabi nito.
"San mo nakuha yan?"
Nagkibit-balikat s'ya. "Well, sabihin nalang natin na nagpaalam ako and pinayagan nila ako. Kaso, mahigpit sa ospital. Di ako makapasok kaya naman...... I used my connections." taas-noong sabi n'ya at proud na proud pa sa pinaggagagawa n'ya.
Inirapan ko s'ya at saka binatukan. "Bobo ka, hindi ka man lang nagsasabi."
"Kung kinulbit kita habang nanganganak si Summer at nakita mo'ko, baka ako ang paanakin mo ng wala sa oras." natatawang sabi n'ya at nahawa na din ako.
Saglit pa kaming nagbiruan hanggang sa seryoso na naman s'yang bumaling sa'kin.
"Seriously, Ace. I'm sorry, para kay Summer, Mavi, sa farm n'yo at kay Lola Selia. Pati na rin sa inyo ni Mira, hindi naman s'ya aalis kundi dahil sa ginawa namin e."
Panay ang iling ko sa mga sinasabi n'ya. Hindi naman yun totoo. May nangyari man sa farm o wala, nawala man si Nanay Selia o hindi, aalis at aalis parin sa tabi mo ang taong hindi masaya sa piling mo.
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...