Chapter Six

101 80 0
                                    

Shelter.

"Hello, Maica. Kamusta kayo dyan ng mga baby ko?" tanong ko mula sa telepono.

Naririnig ko ang ingay ng mga baby ko mula sa kabilang linya at hindi ko maiwasang mapangiti.

Sa buong 7 taon na kompleto ang pamilya ko, hindi ko parin maiwasang makaramdam ng pangungulila. Hanggang ngayon ay may puwang parin sa puso ko na hindi kayang punan ng kung sino kundi s'ya lang.

Pero ang mga baby ko, sila ang naging daan para kahit papaano ay makalimutan ko ang sakit na iniinda ng puso ko. Kahit papaano ay hindi ko nararamdamang mag-isa ako. Kahit papaano, kampante ako na hindi nila ako iiwan ano man ang mangyari.

"Okay naman sila, Sir. Miss na nga po yata kayo, lalo na po ni Whisky." masayang balita ni Maica.

Nang masunog ang farm namin ay maraming nawalang tauhan samin. Though, may mga naka-survive naman na mga bulaklak, hindi parin yun sapat para maibenta namin sa mga malalaking buyers.

Yung flower shop naman namin ay bukas pa hanggang ngayon at sa nakalipas na taon ay lumaki ito at nagkaroon pa ng mga branch. Pero, ang flower farm ay hindi na katulad ng dati. Kaya naman imbes na direktang nangggagaling ang mga bulaklak mula sa farm ay sa aming supplier nalang kami kumukuha.

Kung noon ay puro mga bulaklak lang ang matatanaw mo bukod sa dagat, ngayon ay puro ang mga baby ko na ang makikita n'yo na nagtatakbuhan. May espasyo parin naman dun na s'yang nakalaan sa mga bulaklak pero mas malaki syempre ang sakop ng mga baby ko.

Pinamana sa'kin ni Dad ang lupain na yun. Alam naman n'ya na hindi ako mahilig sa bulaklak kaya naman pumayag s'ya nang gawin ko itong shelter para sa mga aso't pusa. Nagtira parin ako ng bulaklak dahil yun ang simbolo ni Dad ng pagmamahal n'ya kay Mama at saka kung hindi dahil sa mga bulaklak na yun, hindi ko naman s'ya makikilala.

"Ganun ba, 'yaan mo, bibisita ako dyan next week." sabi ko kay Maica bago tuluyang binaba ang linya.

Kahit na nasunog na ang farm ay nanatiling tapat samin ang pamilya nina Maica at Karina. Kaya naman sila na din ng namamahala sa shelter. Gustuhin ko mang isama ang mga alaga ko dito sa Maynila ay hindi pwede lalo na't allergic sa aso si Summer. Baka mamaya, may allergy din si Mavi, edi delikado.

Matapos ang tawag kay Maica ay nagtungo ako sa department namin na nasa parehong floor lang din ng office ko. Nandun ang mga ka-team ko.

Pagkapunta ko ay kita kong may pinagkakaguluhan silang pagkain. Agad naman akong nakikuha, syempre, kakagutom.

"Uy, boss! Musta?" tanong ni Jerald, isa sa magagaling naming IT security analyst.

Isa s'ya sa mga nagmo-monitor ng network for security breaches at sa pag-imbestiga ng violations. Halos magkasabay lang kaming nagtrabaho dito, kaya naman isa s'ya sa malapit sa'kin.

"Ayos lang, para saan ang handaan?" tanong ko dahil ang daming pagkain sa lamesa nila. Akala mo may fiesta.

"Tsk, tsk, tsk. Nako, boss. Bestfriend tapos outdated." pailing-iling na sabi ni Oliver, isa sa mga nag-iinstall at gumagamit ng software gaya ng mga firewalls at data encryption programs para magprotekta sa mga sensitibong impormasyon.

"Bakit? Ano bang meron?" halos mabilaukan ako sa kinakain ko nang bigla nalang may sumampa sa likod ko.

Agad naman akong inabutan ng tubig nina Jerald at kinalahati ko muna ito bago samaan ng tingin ang kung sino mang hayop na dumagan sa'kin. Hayop kung makatalon, akala mo nagluluksong-baka.

"Ano ba?! Loko ka, kita mo namang nakain ako." bulyaw ko kay Jeno, ang sakit tuloy ng dibdib at lalamunan ko.

"Sorry na." pa-cute na sabi n'ya at may pagyakap pa sa braso ko. Agad ko naman s'yang tinulak at nagpaawa naman s'ya sa'kin.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon