Chapter Fifteen

71 38 9
                                    

Happy Trip.

MIRA'S POV

Nagulat nalang ako nang sabihin sa'kin nina Maica na umalis na daw si Ace. Nagmamadali daw itong umalis kaninang umaga pabalik sa Manila, dala-dala pa daw nito ang dalawang aso.

Nanghihinayang ako dahil hindi man lang ako nakapag-sorry ng maayos sakanya. Hindi ko man lang naisip kung pwede ba ang chocolate sa aso at inaamin kong nasaktan ako nung sinigawan n'ya ako pero deserve ko naman yun e. Sayang lang at wala na s'ya ngayon.

"Alam mo kasi, Mira, nitong mga nakaraang taon, walang ibang ginawa 'yang si Ace kundi ang maglasing. Lagi s'yang nandun sa tabing dagat at umiiyak. Di naman namin malapitan kasi baka magalit samin. Si Whisky lang ang lagi n'yang kasama kaya siguro natakot s'ya ng sobra na baka mawala ito sakanya." kwento sa'kin ni Maica.

Masaya ako na nagkasama-sama na ulit kami, kaso nga lang, wala na si Jessie. Maging si Karina na pinsan nito ay hindi alam kung saan ba nagpunta ang pamilya nina Jessie. Si Maica naman ay nasabi sa akin na matagal nang laya si Yuri. Naalala kong magpinsan nga pala ang dalawa.

"Nasa Manila si Jeno ah. Nagtatrabaho s'ya ngayon sa kompanya nina Ace." anang ni Karina.

"Bigtime na!"

Saglit pa kaming nagkwentuhan hanggang sa maisipan ko nang umuwi. Mananatili pa kami dito ng ilang araw dahil may inaasikaso pa sina Papa at Tito Sun. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumambay sa bahay at paminsan-minsan ay lumalabas kami nina Maica. Hindi na nga lang ako pumupunta dun sa shelter, bawal na kasi ako.

"Ano ka ba? Chika lang yun ni Sir Ace. Pwede ka parin dun noh!" pinipilit ako nina Maica pero ayoko talaga. Baka mamaya, may magawa na naman akong mali.

Sa susunod na araw na ang alis namin sa Masbate at nalalapit na din kasi ang kasal ni Gwen kaya kailangan ko nang umuwi sa Manila.

Malalim na ang gabi at hindi parin ako dinadalaw ng antok. Pilit kong pinipikit ang mga mata ko pero walang silbi e. Hanggang sa biglang nag-ring ang phone ko. Nang kunin ko ito ay agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang si Ace ang tumatawag.

'Bakit naman s'ya tumatawag at bakit sa ganitong oras pa? Lasing ba s'ya?'

"Hello? Sino 'to?"

Ilang sandali akong naghintay sa sagot n'ya pero tanging paghinga lang ang naririnig ko.

"A-ako 'to, si Ace."

"Ace? Bakit napatawag ka? May problema ba?" pansin ko ang kakaiba sa pananalita n'ya at agad akong nag-alala nang mapagtantong lasing nga s'ya.

Ni minsan ay hindi ko pa nakita si Ace na malasing. Bihira lang din naman s'yang mag-open up tungkol sa mga problema n'ya. Kaya kung ano man ang problema na meron s'ya ngayon ay sigurado akong malaki yun. Hindi naman siguro s'ya maglalasing para sa maliit na problema, diba?

"Gusto ko lang mag-sorry dahil nasigawan kita. Pasensya na, hindi ko napigilan ang sarili ko."

Natigilan ako nang bigla s'yang nag-sorry. Hindi ko ine-expect na gagawin n'ya yun.

"Okay lang..Naiintindihan ko naman e, pasensya na dahil basta ko nalang pinakain si Whisky. Dapat nga hindi nalang ako nangialam."

Ngayon ko tuluyang masasabi sa sarili ko na malaki nga ang pinagbago n'ya. Hindi ko man ganun katagal na kilala si Ace ay parang ang dali lang para sa'kin na sauluhin ang ugali n'ya. Sa pagkakaalam ko ay hindi s'ya yung tipo nung tao na aamin sa sariling pagkakamali. Pero ngayon, iba na s'ya. Kakaiba talaga ang kayang gawin ng panahon sa isang tao.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon