Chapter Four

119 92 0
                                    

Wedding.

"Yo, boss!" malakas na bati ni Anastasia ang pumuno sa lobby ng kompanya namin. Lahat tuloy ng atensyon ng mga empleyado ay natuon samin.

"Uy, attorney. Kamusta?" bati ko sabay akbay sakanya habang pasakay kami ng elevator.

"Eto, busy sa firm ng Tito ko. Pero at least, may pera." natatawang sabi n'ya.

Noong high school kami, walang ibang bukambibig 'yang si Ana kundi pera. Halos lahat nalang gawin n'ya para magkapera. Nung mga panahong hindi pa kami pwede sa part-time job e sari-sari ang mga ginagawa n'yan.

Gumagawa ng assignments at projects ng ibang estudyante para magka-pera. Nagtu-tutor din. Akala mo naman sobrang taghirap. Nagkasakit kasi ang Dad n'ya noon kaya naman ang Tito n'ya ang nagpaaral sakanya. And now, she's working at his law firm!

"Nga pala, kamusta ang Dad mo?" tanong ko. Matagal nga pala kaming hindi nagkita. Magaling na siguro s'ya.

"He's now in heaven." malungkot na sabi n'ya at napatigil tuloy ako.

"I-I'm sorry. I- I didn't know. Pasensya ka na at wala ako sa tabi mo." I feel guilty. Ever since we met, kami na ang naging magkaramay sa lahat.

"Ano ka ba? It's okay. Nandito parin yung pain pero kinakaya ko namang mag-move forward. And I'm sure, Dad wouldn't want to see me depressed and lonely all the time," she smiled pero may lungkot parin sa likod nito. 

And now, I feel really guilty dahil wala ako sa tabi n'ya nung panahong pumanaw ang Dad n'ya. He's a nice man and father. Since mag-isa lang ako sa abroad e tumayo na rin s'yang ama ko. He's always there to support us and he's always there to fetch us kapag ginabi kami sa isang party.

Ana loves him so much. The reason kung bakit wala s'yang ibang ginawa kundi ang mag-ipon ng pera ay para may maipangbili s'ya ng gamot ng Dad n'ya. Nakakalungkot lang isipin na kahit anong gawin mo, kung ang isang tao ay mawawala sayo, you can't do anything about it.

Tumunog ang elevator at bumaba na ako sa floor ko. Sa taas pa s'ya since magkahiwalay kami ng department.

"Don't worry, Ana. Since you're here and I'm here, hindi na tayo maghihiwalay pa. Just call me kapag may problema ka."

Binigyan n'ya ako ng matamis na ngiti at saka niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you, you're the best bestfriend ever." bulong n'ya bago pumasok ulit sa elevator hanggang sa tuluyan na itong sumara.

Maglalakad na sana ako papunta sa office ko nang mahagip ng mata ko si Mira na nakaupo sa isang sofa at naka-kandong sakanya si Maggie.

Tatanungin ko pa sana ang sarili ko kung bakit si Maggie nandito nang maalala ko na Sabado nga pala.

"Hello, uncle!" napatigil ako sa paglalakad dahil sa pagbati ni Maggie.

Napatingin tuloy ako sa likod ko dahil baka mamaya hindi pala ako ang binabati. Pero nang makita kong wala namang tao sa likod ko, nginitian ko nalang si Maggie.

"Uncle, asan po si Mavi?" tanong niya.

"Nasa bahay." sagot ko naman at malungkot naman s'yang ngumuso.

Natawa tuloy ako sa expression n'ya at saka itinuon ang atensyon kay Mira. "May hinihintay ba kayo dito?"

"May meeting kasi si Papa dito, hinihintay namin s'ya." sagot n'ya at bigla nalang s'yang tumayo habang karga si Maggie saka ako nilampasan.

Naiwan lang tuloy ako dun mag-isa. Akala ko ba hihintayin n'ya ang Papa n'ya? Kaya naman dumiretso na ako sa opisina ko para tapusin ang ibang trabaho nang biglang pumasok si Jeno.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon