Chapter Seven

100 78 3
                                    

Buwan.

"Hello, mga babies! Come to daddy!" sigaw ko pagkapasok ko palang sa shelter.

Agad na nagtakbuhan ang mga aso't pusa na na-rescue namin. Halos matumba na ako dahil grabe sila kung makatalon. Lalo na yung mga malalaking aso.

Isa-isa ko silang niyakap at hinalikan. Bakas sa mga mukha na ang pagiging sabik. Mukhang miss na miss na nga ako ng mga baby ko ah. Pero, nasan ang anak ko?

Natanaw ko sina Karina na tuwang-tuwa kaming pinapanood. Kinawayan ko sila at kumaway naman sila pabalik. Nang maglakad ako papunta sa kanila ay panay ang pagbuntot sa'kin ng mga baby ko.

"Kamusta dito sa shelter? May mga na-rescue ba kayong bago?" tanong ko.

"Meron po, Sir. Sina Purple, buntis po s'ya na na-rescue namin dun sa may punuan. Malapit na po s'yang manganak." tinuro ni Karina ang pinatayo kong malaking mansion na para sa mga aso at pusa.

Yun ang dating pwesto ng quarters. Ngayon ay pinalitan ko na ito ng Shelter Home. Kung noon ay nalulungkot pa sila dahil naalala namin ang nangyari dito 7 years ago, ngayon matutuwa na sila dahil masasayang mga baby na ang sasalubong sa kanila.

Pinadisenyuhan ko ito ng kasing laki ng mansion dahil may mga kwarto ang mga baby namin dito. Tsaka, gusto ko ang maluwang para makapag-libot naman sila. Pumasok ako sa loob at agad na tumambad sa'kin si Whisky, ang anak ko, na kinakaladkad ang mop.

Sumipol ako at agad naman itong tumakbo papunta sa'kin. "Hello, baby. Namiss mo ba si Daddy?"

Binuhat ko ito at niyakap. Mag-aanim na taon na si Whisky pero pandak parin.

"Aray!" sigaw ko nang maramdaman ko ang kalmot n'ya sa balikat ko. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ang matitilos n'yang kuko.

Binaba ko s'ya at tinitigan ng mariin. Umiwas naman s'ya ng tingin at parehong nakababa ang mga tainga. Para batang pinagagalitan ng mga magulang. Laging ganyan si Whisky, kahit noong bata pa s'ya. Paawa lagi ang mukha sa tuwing napapagalitan.

"Bakit mahaba 'yang kuko mo? Ayaw mo na naman magpagupit?" yumuko ako at mahinang pinitik ang kuko n'ya.

"Ang haba-haba na n'yan o! Nakalmot mo tuloy ako, gugupitin ko yan ha. Subukan mong tumanggi." para akong nanenermon sa isang bata at tinatawanan naman ako ng ibang rescuer namin dito.

"Yan kasi si Whisky, napaka-kulit. Nagtatapang-tapangan, Sir, kapag ayaw magpagupit." sumbong ng isang rescuer.

"Nagtatapang ka na?" tinaasan ko si Whisky ng kilay at kita ko ang pasulyap-sulyap n'ya sa'kin at saka tutungo. "Nagtatapang ka na, e ang pandak pandak mo."

Niyakap ko ulit si Whisky ng mahigpit at saka tumayo. "Asan na yung jeontis?" tanong ko kay na Karina at natatawa naman nilang tinuro ang isang kwarto na nakasarado.

Pumasok ako dito at hinarangan si Whisky para hindi s'ya makapasok. Masyadong chismoso ang asong yun.

Pagkapasok ko ay agad tumambad sa'kin ang isang aso na nakahiga sa mga kutson at kumot. Malaki na ang tiyan nito at halatang nanghihina.

Pasimple ko itong nilapitan at kita ko ang pagiging hirap nito. Mukhang malapit na nga s'yang manganak. Umupo ako sa tabi n'ya at hinimas ang ulo n'ya. Saka ko dahan-dahang pinakiramdaman ang tiyan n'ya.

"Ilan kaya ang baby mo, Mommy?" tanong ko kay Purple na akala mo nama'y sasagot.

Sa loob ng ilang taon ay itong shelter ang naging libangan ko. Kahit papaano ay natulungan ako nitong maibsan ang kalungkutan na nararamdaman ko.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon