Family.
Nakauwi na sina Dad and Mama galing bakasyon. Tuwang-tuwa agad na makita si Mavi, akala mo naman ilang buwan na nawala. 2 linggo lang naman.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita si Dad na kinakalaro si Mavi. Nung una kasi ay medyo malayo ang loob ni Dad. Ang sabi n'ya ay sa tuwing tumitingin s'ya sa mukha ni Mavi ay mukha ni Yuri ang nakikita n'ya kaya naman ayaw n'ya itong lapitan noon. Pero ngayon, kung mai-spoil si Mavi, wagas.
"Anak, kamusta?" sinalubong ako ng yakap ni Mama at tinugon ko naman ito.
Sa loob ng 7 taong pagsasama namin nina Mama ay na-realize ko na nagsisinungaling lang s'ya sa parte na hindi n'ya minahal si Mira. Imposible naman kasi talaga. Nadala lang s'ya ng galit pero kita ko kung gaano s'ya kalungkot at nagsisisi nang mawala si Mira.
Nagdadalawang-isip tuloy ako kung sasabihin ko ba sakanya na nakita ko na si Mira at nasa kompanya s'ya nung isang araw lang.
"Hi, Dad. Kamusta po ang bakasyon?" nalipat ang tingin namin kay Summer na naka-uniform at kadarating lang.
"Okay lang naman, may mga pasalubong kami sa inyo. Lalo na dito sa apo kong 'to." nanggigigil na hinalikan ni Dad ang matatabang pisngi ni Mavi. Panay naman ang pagtawa at pagtili ng bata.
"Pasalubong? Like what, I love Singapore shirts?" sarkastikong sabi ni Summer at pabiro ko naman s'yang binatukan.
"Dapat kasi Dad, buhangin nalang ang dinala n'yo para kay Summer. Tapos isaksak n'yo sa bunganga, tutal, salaan naman ng tae ang bunganga n'ya. Malay n'yo masala n'ya pati yung buhangin." tawang-tawa ako sa sinabi ko lalo na nang makita ko ang nandidiring mukha ni Summer.
"Alam mo ikaw, Kuya, kahit kailan talaga ang bastos n'yang bunganga mo." inismiran ako ni Summer bago umakyat sa kwarto n'ya para siguro magbihis.
"Lolo, what's salaan ng tae?" biglang tanong ni Mavi kaya sinamaan ako ng tingin ni Mama.
Tinaas ko ang kamay ko at nagpanggap na inosente. Napailing nalang si Mama habang si Dad naman ay abala sa kahahanap ng isasagot kay Mavi.
"It's nothing, apo. Don't listen to your Tito." sabi ni Dad at pilit na nililibang si Mavi gamit ang mga dala n'yang laruan pero hindi talaga natinag ang utak ni Mavi.
Masyado kasing curious sa mga bagay-bagay ang batang yan. Hindi yan titigil hangga't hindi nasasagot ang mga tanong n'ya.
"No, Lolo. What is salaan ng tae first?" makulit na tanong nito at napakamot nalang sa batok si Dad.
Si Mama naman ay nasapo nalang ang noo at saka nagtungo sa kusina para maghanda ng hapunan. Lumapit ako kay Mavi at bumulong. Si Dad naman ay nagpunta narin sa kusina para matakasan si Mavi.
"Mavi, salaan ng tae is what we call your Mom's mouth." pigil ang tawa kong sabi. Kunot naman ang noo ni Mavi, tila ba hindi naiintindihan ang sinabi ko.
"What's the meaning of that?"
"It means beautiful mouth." sagot ko.
Habang kumakain kami ng hapunan ay sinabi sa'kin ni Dad na si Anastasia nga daw ang pumalit bilang company lawyer namin. Si Mama naman ay nagbibilin ng kung ano-ano kay Summer dahil daw may pasok na si Mavi.
Akmang susubuan ni Summer si Mavi nang umiling si Mavi at tinuro ang bibig ng ina.
"Mommy, you have a dirt on your salaan ng tae."
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...