Family Dinner.
"Kinakabahan ako, baka mamaya, palayasin n'ya ako." paulit-ulit na sinasabi ni Mira.
Nasa byahe na kami at papunta na sa bahay namin para sa dinner. Kanina pa s'yang nag-aalala na baka palayasin daw s'ya ni Mama kahit na sinabi ko sakanya na matagal nang gustong makipag-ayos nito. Hindi lang talaga namin s'ya makita kaya hindi sila nagkaroon ng chance na magkaayos.
"Kapag ako pinalayas, lalayas ka din ha."
Kunot-noo ko s'yang pinagmasdan at bahagyang natawa. "Ba't naman ako lalayas din? Ayoko nga, mag-isa ka!"
Isang malakas na hampas naman ang inabot ko at tinawanan ko nalang iyon. Buong byahe s'yang nakabusangot pero nang makarating na kami sa bahay ay agad namang bumakas sa mukha n'ya ang kaba.
Nauna na akong bumaba at saka s'ya pinagbuksan ng pinto. Bago bumaba ay tumingala muna ito sa langit at nag-sign of the cross. Akala mo naman ay sa impyerno ang punta.
Magkahawak-kamay kaming pumasok sa bahay at agad naming narinig ang mga ingay sa dining area. Pagkapunta namin dun ay agad na natuon sa amin ang atensyon nila. Ramdam ko ang pagpisil ni Mira sa kamay ko. Ang kaninang maingay ay biglang natahimik, ang awkward tuloy.
"Ace, anak. M-mira, upo na kayo." tila nangangapang sabi ni Mama. Alam kong gaya ni Mira ay kinakabahan din s'ya.
Nasa dulo ng hapag si Dad at sa kaliwa't kanan naman n'ya si Mama at Summer. At sa tabi ni Summer......
"Hoy! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Yuri.
"Bakit? May angal ka?" taas-kilay na tanong ni Yuri habang ngumunguya ng garlic bread.
Pinanliitan ko s'ya ng mata at saka naupo sa tabi ni Mama. "Ang sabi, family dinner, ba't nandito ka? Family ka ba?"
"Kuya, pa-epal ka talaga." sabat ni Summer.
"Tama na nga yan. Summer, asan na ba si Mavi?" si Dad.
At agad namang sumulpot si Mavi. Nang makita ako ay tumakbo ito papunta sa akin at naupo sa kandungan ko.
"Na-miss kita, Tito."
"Awww, ang sweet mo naman. Na-MISS daw AKO." pagmamayabang ko kay Yuri na sinuklian ako ng irap.
Bumalik na si Mavi sa upuan n'ya sa tabi ni Yuri. Nagsimula na kaming kumain at ang usapan ay umiikot lamang sa naging bakasyon namin at sa pag-aaral ni Summer at Mavi. Nagdiscuss na din si Dad about sa negosyo pero wala naman akong pake dun.
Si Mira ay tahimik lang na kumakain sa tabi ko at paminsan-minsan ay pinaglalaruan lang ang kubyertos.
"Ayaw mo na?" bulong ko.
"Ang baho e. Ayoko na."
Ang tirang pagkain ni Mira ay nilagay ko na sa plato ko at saka kinain iyon. Pero syempre, hindi yun nakatakas sa matanglawin kong kapatid.
"Sa jollibee, kay Kuya ang tira." kanta nito.
"Bakit? Jollibee ba 'to ha?"
"Edi wow."
"Epal."
Kita ko kung paano nasapo ni Dad ang noo n'ya, nauubos na siguro ang pasensya. Si Summer kasi e, nakikisapaw lagi akala mo naman kasali.
"Nga pala, Ace, kamusta na yung shelter mo?" tanong ni Mama, may ma-topic lang.
"Ayos naman po, may mga aso't pusa pa din."
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...