It's been a long and winding journey
But I'm finally here tonight
Picking up the pieces
And walking back into the lightInto the sunset of your glory
Where my heart and future lies
There's nothing like that feeling
When I look into your eyesMy dreams came true
When I found you
I found you
My miracleSunday morning at ito na agad ang bumungad sa'kin. It's been 4 years mula ng isilang ang dalawa naming anghel. It's been 4 years and yet everything still feels surreal.
Pakiramdam ko, panaginip parin ang lahat. Parang hindi totoo na buo na ang pamilya ko. I still can't believe that I have the woman that I love beside me everyday. Kung ito ang kapalit ng lahat ng sakit na naramdaman ko noon, I'll gladly welcome the pain just to have this happiness.
"If you, could see
What I see
You're the answer to my prayer
And if you could feel
The tenderness I feel
You would know it would be clear
That angels brought me here." mahinang kanta ko habang pinagmamasdan ang mga mag-ina ko na naghahanda ng almusal.Nagtatawanan at nagkukulitan ang mga ito na s'yang naglagay ng ngiti sa labi ko. And she's playing her favorite song again. I think it suits us though. Because I already found my Miracle.
Tahimik akong naglakad papalapit sa kanila at kamangha-manghang di man lang ako napapansin ng mga ito. Prente akong naupo sa island counter habang si Mira ay nagluluto at ang kambal naman ay nanonood ng mabuti.
"After you put the scrambled egg, mix it, okay? Pero wag super." mahinahong turo ni Mira sa apat na taong gulang naming kambal.
"But the oil has to be hot, right?" tanong ni Top na may hawak pang lapis at notebook.
As if namang kaya n'ya ng magtake-down ng notes. But still, I find it cute. Minsan nga ay kahit simpleng pagtalon o paglakad lang ay natutuwa na ako sa kanila. I guess that proves how much I love them.
"Hey. Morning." I greeted, interrupting their cooking session.
The twins turned around to face me, their eyes expressing excitement. "Daddy, morning."
Agad na yumapos ang dalawa sa beywang ko at hinalikan ko naman sila pareho sa pisngi. Nanatiling nakangiti at nakayakap ang mga ito sa'kin pero hindi nakatakas sa'kin ang pasimpleng pagpunas ni El sa pisngi n'ya.
"Good morning, we're cooking!" masayang anunsyo ni Mira, stating the obvious.
Nang kumalas na sa yakap ang dalawa ay sakanya naman ako nagtungo at hinalikan s'ya sa noo. "Oo nga e, halata namang hindi kayo naglalaba."
Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Mira, hindi tinatanggap ang biro ko. "Wag kang kakain ha."
"Joke lang, di mabiro." naglalambing akong yumakap sa likuran n'ya at ipinatong ang ulo sa balikat.
Ngunit nanatili itong nakaharap sa niluluto. Di man lang ako magawang lambingin, nagbibiro lang naman ako e.
Nilingon ko ang kambal at kita kong nakaupo na ang dalawa sa hapag at tila may pinag-uusapang seryoso dahil bukod sa nakabulong ang mga ito ay pareho ring nakakunot ang noo.
"I'm sorry na, love naman kita." I whispered then gave her a peck on the cheek.
Ramdam ko ang paghawak ng kamay n'ya sa braso ko na nakapalibot sa beywang n'ya at saka niya marahang pinagsiklop ang mga daliri namin. Lihim akong napangiti dahil hindi n'ya talaga kayang tiisin ang paglalambing ko.
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...