Unfair.
Mira's POV"Guys? Di ako makatulog." bigla akong napadilat nang marinig ang boses ni Jeno.
Magha-hatinggabi na pero ni isa samin ay hindi man lang dinadalaw ng antok. Kahit si Ace na nakayakap sa'kin ay halatang nagtutulog-tulugan lang. Gumagalaw ang pilik mata ni luko.
"Bakit?" tanong ko.
Katabi namin ngayon si Jeno, well, di ko naman s'ya katabi. Pinaggigitnaan namin si Ace e.
May kutob na ako na hindi sila okay ni Leslie kanina pang umaga. Kahit nang nagswimming kami ay hindi man lang nakisaya ang dalawa. Naninibago tuloy ako sa katahimikan ni Jeno. Si Leslie naman ay medyo tahimik pero naninibago din ako dahil ang layo-layo n'ya lagi samin.
"Hindi ako dinadalaw ng antok."
"Malamang, kung dinalaw ka na ng antok edi sana tulog ka na ngayon." anang Ace.
Pinitik ko naman ang bunganga n'ya dahil gabi n'ya pero ang lakas-lakas ng boses. Akala mo nakalunok ng mikropono e.
"Yang bunganga mo, gabing-gabi na." napa-bungisngis naman si Jeno kaya naman tinulak siya ni Ace paalis sa kama.
Malakas na kalabog ang pumuno sa buong silid dahil sa pagkahulog ni Jeno. Nag-iyak iyakan pa ang luko.
"Dun ka na kasi sa kwarto n'yo ni Leslie, nakikisiksik ka pa dito e."
"E ayoko ngaaaaa."
"Nakiki-epal pa kasi e."
"Edi ikaw ang tumabi kay Leslie!"
Tinakpan ko nalang ng unan ang tainga ko dahil sa ingay ng dalawang 'to. Jusmiyo naman oh, hatinggabi na. Magpatulog naman kayo.
Kinaumagahan ay nagising nalang ako dahil sa sakit ng likod tsaka parang ang tigas-tigas ng hinihigaan ko. Marahan kong tinampal-tampal ang likuran ko para naman kahit papaano ay maibsan ang sakit. Bumangon ako at napamulagta nang makitang nasa sahig na ako.
'Mga hayop!'
Mabilis akong tumayo at laking gulat nang makita ang dalawang mahimbing na natutulog at magkayakap pa. Samantalang nung gabi ay nagawa pa ni Ace na maglagay ng harang na unan sa pagitan nila ni Jeno. Pero ngayon, nasaan na ang unan? Well, kasama ko lang naman sa sahig.
Agad kong kinuha ang phone ko at pinicturan ang dalawa na akala mo'y magjowa kung mayakap ang isa't isa. May sumilay na ngiti sa labi ko nang mapagtantong di na din naman masama ang mga nangyari noon. Dahil kung hindi yun nangyari, malamang ay wala kami sa lagay namin na 'to ngayon.
Walang Mavi, walang Maggie. Hindi rin namin makakasama sina Jeno ngayon dahil malamang ay kung hindi nasunog ang farm ay nanatili din sila sa Masbate.
Matapos ang pagpicture sa dalawa ay nagtungo na ako sa banyo para fresh. Pagkalabas ko ay ganun parin ang posisyon ng dalawa at humihilik pa. Pagod na pagod lang?
Tahimik akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko si Rina naghahanda ng mga pagkain sa hapag.
"Teka lang, totoo ba 'tong nakikita ko?" nang-aasar na tanong ko.
"Sira! Oo na, naghahanda po ako ngayon."
Natawa ako sa inasal ni Rina dahil noon ay s'ya ang wala talagang pag-asa sa kusina. Kung may bagay man na magaling si Rina ay yun ang pagnguya at paglunok. Panay kain lang ang alam n'ya.
Naupo na ako sa hapag at saktong labas naman ni Leslie mula sa kusina.
"Morning."
"Morning, Les."
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...