Chapter Eighteen

64 33 0
                                    

Onion Ring.

"So, what now?" tanong ko habang nakahiga kami sa loob ng tent.

"Gutom ako, hindi ako masyado kumain e." mas hinapit n'ya pa ang kumot papalapit sakanya.

"E ikaw, ba't kasi hindi ka kumain? Ang dami-daming tao sa mundo ang nagugutom tapos ikaw......may pagkain ka naman, tapos hindi ka kakain."

"Bakit? Pag kumain ba ako, mabubusog din sila?"

"Hindi, pero sana kasi maisip mo na—" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil tinakpan na n'ya ang bibig ko.

"Para kang si Nanay, ganyan din magsalita yun. Tama na, okay? Gusto ko lang ng pagkain. Kunan mo nga ako." pag-uutos nito.

"Wow ha, ako talaga? Ikaw ang kakain, edi ikaw ang kumuha." kinumutan ko din ang sarili ko at saka s'ya tinalikuran. Ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog nang maramdaman ko ang paggalaw n'ya sa likod ko.

Lihim akong napangiti dahil s'ya mismo ang kukuha ng pagkain n'ya. Hindi naman sa tinatamad akong kumuha, binibiro ko lang s'ya at mukhang s'ya na naman ang gagawa nun kaya problem solved na. I'm an alpha kid!

May mga narinig pa akong kaluskos sa likod. Siguro ay nagbibihis s'ya, well, we just finished making love at hindi naman s'ya pwedeng lumabas ng hubad don noh.

Lilingunin ko sana s'ya nang bigla nalang magdilim ang paningin ko. Unti-unti akong nanghihina at parang may nagbabara sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga at gusto kong humingi ng tulong kay Mira pero mukhang wala s'yang pake.

Dali-dali akong bumangon at saka mahina s'yang hinampas ng unan.

"Ano ba! Papatayin mo ba ako? Grabe ka naman, para sa pagkain, papatayin mo ako." hinihingal na sabi ko.

Grabe ang babaeng 'to. Tapalan ba naman ng unan ang mukha ko. Papatayin yata talaga ako neto.

Napansin kong hindi parin s'ya nakabihis at tanging kumot lang ang nakabalot sakanya. Nakahalukip s'ya at matalim ang mga titig sa'kin.

"Kunan mo nga kasi ako, ikaw talaga napaka-tamaritis mo."

"Wow ha." mapakla akong natawa. "Ako pa 'tong tamaritis e ikaw na nga 'tong nag-uutos. Bahala ka dyan."

Inignora ko s'ya at muling nahiga. Saglit na namayapa ang katahimikan bago s'ya padabog na tumayo. At talaga nga namang dala pa ang kumot.

Dire-diretso itong lumabas ng tent habang nakakumot lang. Buti nga ako kahit papaano ay naka-shorts. Kinaladkad nito ang kumot hanggang buhanginan kaya naman mabilis ko s'yang ipinangko at binalik sa loob ng tent.

"Oo na! Kukuha na ako, napaka-dead hungry mo." tanging irap lang ang isinagot n'ya sa'kin at inirapan ko din s'ya. Akala mo ha, patarayan tayo.

Sinarahan ko s'ya sa loob ng tent bago nagtungo sa shelter at maghanap ng pagkain. Kung meron, madaling araw na kaya, malamang nasa ref na ang mga pagkain. Pero, baka may tira pa sina Jeno. Kaso nga lang, patay gutom yun kaya baka wala din.

Madilim na at tanging mga ilaw lang mula sa buwan at dun sa ibang wall lights ang nagsisilbi kong gabay. Malamig na at nakakapangsisi na wala pa akong suot na tshirt. Baka mamaya kabagin ako.

Pansin kong wala na ang lamesa na pinag-inuman nina Jeno sa labas. Tulog na siguro ang mga yon, may mga kwarto naman kami sa shelter e. Pagkapasok ko sa loob ay kita ko ang ibang aso na natutulog.

Nang maramdaman ang pagpasok ko ay nagsi-iyakan ang mga ito.

"Shh....wag kayong maingay mga baby, kukuha lang ako ng food." mabuti nalang at bumalik ang mga ito sa tulog kung hindi ay baka puyatin ng mga ito ang ibang rescuer.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon