Chapter 46.
Embrace.
"Mom?" Takang tanong ni Cheeny.
"A-anak." Ramdam ko ang kaba ni Mama sa pagkasabi niya
"Cheeny."
Napabaling kaming tatlo nang magsalita si Ranz.
"Ranz? What are you doing here? Dinadalaw mo ba ako? Kami ni Mom?" Tanong ni Cheeny.
"No. I'm helping a very special person for me."
Di ko mapigilang mapangiti. Kinikilig ako sa sinabi niya. Walang naman kaming label pero kinikilig ako. Basta.
Bumaling si Cheeny sa akin kaya ningitian ko siya nang kabado.
"Katherine?" Mahinang saad niya.
"Seriously guys, what the hell are you doing here? Mom?"
"A-anak," Nakita kong lumunok si Mama bago magsalita. "May aaminin ako, kami sayo." Ramdam ko din ang kaba sa boses niya.
"Mom?" Kunot noo na tanong ni Cheeny.
Shit! Kinakabahan ako sa sasabihin ni Mama kay Cheeny. Hindi ako bobo para hindi alam na ang sasabihin niyana magkapatid kami sa Ina. Shit!
Bumuga ako ng malalim na paghinga bago umupo ulit sa inuupuan kanina.
Lumapit na si Ranz sa amin at tumabi. Umupo na rin si Cheeny habang nagtataka pa rin sa nangyayari.
"Mom?" Nakangiti pero nagtataka pa rin.
Alam kong mahihirapan si Mama na mag-explain kaya sinabi ko ng biglaan.
"Cheeny, magkapatid tayo. Half sisters to be exact." Plain na sabi ko para mawala ang kaba ko.
Unting unting lumaki ang mata ni Cheeny at napatingin kay Mama.
"Mom?" Gulat na gulat na saad ni Cheeny.
"Mom, it's true? She's my sister? Half?"
"Y-yes anak. It's true. Ate mo siya. Siya ang anak ko sa una kong asawa bago ko makilala ang Daddy mo."
Buntis na pala si Mama sa akin nung makilala niya ang Step-Father ko.
Ramdam kong humigpit ang hawak ni Ranz kaya napatingin ako sa kanya. Ramdam niya rin siguro ang tense sa aming tatlo.
Malungkot ang mukha ni Cheeny.
"Gabi-gabi pumupunta ka sa kwarto sa taas, na sabi mo bawal kaming pumasok."
Tumingin muna si Cheeny kay Mama.
"Pero nung isang araw, hindi mo ata nasarhan ng maayos jaya may awang sa pintuan. Sumilip ako Mom, may haeak kang picture frame habang naiyak ka."
Di naman sa pag-a-assume pero feeling ko ako ang nasa frame.
"Is that Kath, you are holding Mom? Is that Ate Kath?"
Tumaba ang puso ko sa sinabi ni Cheeny. Tinawag niya ba akong Ate? O guni guni ko lang yon? Ang sarap kasing pakinggan.
At isa pa, umiiyak daw si Mama sa akin? Na-aalala daw niya ako? Pakiramdam ko maiiyak ako sa naririnig ko.
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...