Chapter 40

572 13 4
                                    

Chapter 40.

Die helping you.

Gulat akong napatingin sa kanya. Dali dali akong umupo sa tabi niya.

"K-kilala mo siya?"

Tumango siya. "Yes, this is tita Yen. Why do you have her picture?"

Tita Yen? Baka nga si Mama yun!

Napalabi ako. Kung tita niya si Mama baka pwede niya akong dalhin doon kung nasaan man si Mama. Maybe Ranz know where she lives!

"Do you know where she is?" I asked Ranz.

Taka itong tumingin sa akin. "Why are you looking for her?" Nakakunot noo nitong tanong.

Tumayo ako. "Tara. Sumunod ka sa akin."

Naglakad akong paountang kwarto ni tatay kung nasaan ang box. Ramdam kong nasunod siya sa akin pero alam ko din na nagtataka siya.

"Umupo ka." Turo ko sa kama ni tatay.

Lumuhod ako para kunin ang box sa ilalim ng drawer. Dinala ko ito sa kama ni tatay. Umupo ako at kinalong ko ang box. Binuksan ko ito at bumungad sa amin ang mga picture ni tatay at ni Mama.

Dali dali itong kinuha ni Ranz ang isang picture kung saan nakakiss si tatay sa pisngi ni Mama.

"Shit." Mahinang bulaslas ni Ranz.

Kinuha ni Ranz ang box sa kandungan ko at inisa isang tingnan ang mga pictures nila tatay.

"Shit." Dahang dahang binigay sa akin ni Ranz ang box. Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat.

"Kagabi ko lang ito nakita." Panimula ko.

Tumingin ito sa akin. "Bakit?" I asked him.

"Anong plano mo?"

Umiling ako. "Wala pa. I tried searching on facebook last night pero wala. Sa ngayon wala pa. I don't know where to start."

Inakbayan ako nito. "Silly. Kaya nga nandito ako. Tutulungan kita atsaka kilala ko yang si tita. I know where she lives."

Gulat akong napatingin sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Binasa ko ang labi ko.

"A-alam mo?" Mahinang tanong ko.

Tumango ito at kinindatan ako. "Of course. Dadalhin kita doon." Sincere na sabi niya.

Tumalon sa tuwa ang puso ko at tenga sa narinig. Akala ko mahihirapan ako hanapin si Mama. Kilala pala ni Ranz. I guess it's a meant to be.

"But Kath." Tumingin ako dito na nakangiti. "Hmm?" Nakatingin ito sa akin na may awa sa mata niya.

Bakit may awa sa mata niya? May mali ba?

"Bakit ka ganyan tumingin?" Kabang tanong ko.

"My other family na si tita."

Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Ibang family? Kaya ba iniwan niya kami?

"O-okay lang di ba? I can see her pa naman. Nothing change, hahanapin ko pa rin siya." Sabi ko pero alam kong bumakas sa boses ko ang lungkot.

"Di na Sabando ang last name ni tita Yen."

Napangiti ako ng mapait. Malamang Kath! May ibang family na, ibig sabihin ibang surname na ni Mama.

ALS1: Tears In Hidden ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon