Chapter 15.
Spark.
Ilan buwan na ang nakalipas at patuloy si Ranz sa 'panliligaw' niya sa akin.
Araw araw akong sinusundo. Hinahatid kung saan man ako pupunta. Makikikain ng almusal sa bahay namin. Malambing. In-i-spoiled ako sa lahat ng bagay kahit di pa kami. Baka masanay ako nito. Patay patayan na.
"Okey guys tumayo na tayong lahat." Sigaw ng dance mentor namin.
Tumayo kaming lahat at pumunta sa mga partner namin. Nagprapractice kami ng sayaw para sa incoming ball ng college.
Habang naglalakad ako sa kapartner ko ay di naman maalis ang titig niya sa akin. Parang timang tong si Ranz. Malaking ngiti ang nakasuot sa lanyang labi habang hinihintay akong makalapit sa kanya.
Nang nakatayo na ako sa harap niya ay humakbang siya nang kaunti para mas lumapit sa akin. Napalunok ako sa ginawa niyang iyon. Naaamoy ko na naman ang pabango niyang bench.
Bench 8 ‘to sigurado.
"Okey gentleman. Put your hands on the waist of your girls. I want it smooth. Mkay?" Sumagot naman ang mga lalaki ng ‘opo'.
Nilagay na ni Ranz ang kamay niya sa aking bewang. Ramdam ko ang init na hatid ng kamay niya kahit naka uniform pa ako.
Nahigit naman ako ng hininga ng pisilin niya ng malambing ang bewang ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
"Okay girls. Put your hands on their back neck. Gusto ko nakahawak kayo sa leeg ng partner niyong lalaki."
Lumunok muna ako bago ko ginawa yun. Inangat ko ang aking mga kamay at nilagay sa batok. Hanggang dito sa leeg ay may maiinit na hatid pa rin sa akin si Ranz.
"Okey now. I want to feel the connection between ladies and gentlemen. Eye contact to each other. I want to feel the love, the affection, at kung maaari ay lust."
H-huh? Lust?!
Muntik naman ako mabulunan sa sinabing lust na word. Grabe naman si mentor gusto ng lust. Paano bang lust? Like hubad si Ranz? De joke lang.
"I want you guys to sway. Magpadala kayo sa hangin. Magaan ang pag-galaw ng isa't isa. Nagkakaintindihan ba tayo mga dalaga at binata?" Sumagot naman kaming lahat at nag-umpisa na.
Ginawa namin ni Ranz ang pinapagawang mga step ngunit lagi ko siyang naaapakan. Di talaga ako marunong sumayaw mula bata. Parehas na kaliwang paa ang gamit ko lagi.
"Sorry talaga. Di talaga ako marunong sumayaw." Sabi ko kay Ranz na mayuyupi na ata ang paa ka-ka-apak ko.
Ngumiti naman ito. "Okay lang. Kung ikaw naman ang kasayaw ko. Okay lang kahit apakan mo pa buong paa ko. Okay lang." Natawa lang ako sa sinabi niya.
"Hoy kayong dalawa diyan?" Rinig naming sigaw ni mentor. "Mag-uusap na lang ba kayo diyan?" Pagalit na sabi ni mentor.
"Sorry po. Hehe." Paumanhin ko kay mentor.
"Gawin niyo na yung sayaw. Kayong dalawa lang. Daldalan ng daldalan."
Sinayaw namin ang sayaw na pinapasayaw sa amin at siyempre mali mali at na-a-apakan ko ang paa ni Ranz.
"Ano bang sayaw yan? Napaka lantutay. Magdikit nga kayo. Para kayong may mga sakit."
Tinulak ni mentor ang bewang ko at pinagdikit kami ni Ranz.
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...