Chapter 25.
Simple moves.
Pasukan na naman. Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. Tulala at tamad na tamad bumangon.
Nag alarm ang cellphone ko meaning kailangan ko ng tumayo. Asar akong bumangon at nag pasyang maligo na. Kinuha ko qng damit na susuotin ko at lumabas ba ako ng kwarto.
Natigilan ako sa tapat ng pinto nang kwarto ni tatay. Wala na palang magluluto ng agahan ko. Wala na ding susuway sa kalandian ko. Wala na. Wala na talaga.
Every food I eat starting today, is not the same as before.
Napailing na lang ako at pumasok sa cr.
Isang oras lang ang ipinamalagi ko sa paliligo nang maamoy ko ang mabangong aroma nang pagkain.
Napangiti ako ng mapait. I'll miss Tatay and his cooking skills.
Aish!! Baka gutom lang ako at na mi-miss ko na luto ni tatay!!
Pagbukas ko ng pinto ng cr ay napa-awang ang labi ko.
"A-anong?"
"Hi babe. Morning. Breakfast?" Pinakita niya sa akin ang pagkaing niluluto niya. Napakunot ang noo ko pero kinindatan lang ako ni Ranz.
Nakakaloka!
Patakbo akong pumunta sa kwarto ko at nilock ko ang pinto.
Gosh! Nakakahiya! Naka-tuwalya lang kaya ako! Nakakahiya talaga! Baka sabihin ni Ranz di ako sexy! Ang daya!
Dali dali akong nagbihis ng uniform at saka bumaba na.
Tumikhim ako. "A-anong? Ginagawa mo dito, Ranz?"
"I'm cooking for you." He simply said.
"Alam ko! Pero ano ngang ginagawa mo here? Ganito kaaga?"
"Kasi diba? Sanay kang nakain bago napasok? Naalala ko kasi si tito lagi kang pinagluluto ng almusal. Ngayong wala na siya. Ako naman ang magluluto para sayo." Sincere na sabi niya.
Tell me? How can i unlove this man? God! He's so perfect!
"Kumain ka na. Sabay na tayo papuntang school."
Umupo ako sa hapag kainan na may nakahanda nang pagkain sa harapan. Sinaluhan na ako ni Ranz at sabay na kaming kumain.
Natapos kaming kumain. Si Ranz na daw ang maghuhugas ng plata. Umakyat ako at nagayos ng buhok at mukha. Kinuha ko na ang mga kailangan kong gamit para sa achool saka lumabas.
Naghihintay na pala si Ranz sa tapat ng kotse niya. Kinuha niya ang bag ko at pinasakay na ako sa kotse.
Nakarating kaming school. Nagtataka ako bakit sunod ng sunod sa akin si Ranz eh di naman kami magkaklase sa unang four subject.
"Saan ka pupunta?"
"Hinahatid kita. Ayoko naman na mag isa ka lang." Sabay kindat sa akin.
Enebe Ranz!!
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at sa pakindat kindat niya. Nakakaloka talaga! Isa pa nga!
Edi wow Ranz. Edi wow. Ikaw na ang hari ng pampakilig. Ikaw na ang kilig machine.
"S-sige. Pumunta ka na sa room mo. Uhm...kita na pang tayo mamaya pag tapos ng klase. Bye." Kumaway ako bagao pumasok sa room.
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...