Chapter 23.
Butterfly.
Nabibingi ako. Wala na akong marinig. Nakatingin lang ako sa monitor. Umiling iling ulit ako para masabi ko sa sarili ko na hindi ito totoo.
Yakap yakap ako ni Ranz nang magwala ulit ako.
"Bitawan mo ako Ranz! Lintek! Sabing bitawan ako eh!" Galit na hamuhagulgol na aking ani.
Humigpit pa lalo ang yakap sa akin ni Ranz.
"No babe. Manggugulo ka lang doon. Pabayaan mo ang doktor. Alam nila ang ginagawa nila." Mahinahon ngunit may pagaalala rin.
"Di mo ba nakikita? Flat line! A fucking flat line Ranz! Flat line!!" Sigaw ko sa kanya.
Tumingin ako kay tatay na hinagamitan na nang defibrillator.
"Clear!" Sigaw nang doktor.
"Shit! Tatay! Please! Wag ganto tay! Wag please! Di ko kaya! Lumaban ka! Tay!" Pagwawala ko na.
"Clear!" Doctor said another time.
Napa-awang ang labi ko nang ilang minuto si tatay na ginagamitan na nang defibrillator pero wala pa rin.
Flat line pa rin!
Nakita kong umiling iling ang doktor. Lumapit ito sa amin at ningitian kami nang malungkot.
"I'm so sorry for your lost." Nabingi ako sa sinabi nang doktor. Lost? Sorry for what?!
"What did you say?!" Sigaw ko sa doktor.
Umiling lang ito sa akin. What?
"Hindi patay ang tatay ko! Sinungaling ka! At kung patay man diba doktor ka?! Bakit di mo buhayin? Buhayin mo! Buhayin mo sabi!" Gigil na gigil na sabi ko sa doktor na sinungaling.
"Miss. We are doctors. We're not God. Nagpapagaling lang kami nang may mga sakit. Di kami bumubuhay nang patay." Iling na sabi nang doktor bago umalis.
Tinakbo ko si tatay sa kama niya at doon siya ginising.
"Tay. It's a prank lang ito right? Saan ang kamera? Bilis di na maganda tong prank mo!"
"Babe."
Ningitian ko si Ranz. "Buhay siya Ranz. Buhay siya. Naniniwala akong buhay siya. Di siya pwedeng mawala sa akin. Di pa pwede. Ayoko pa. Di pa ako handa." Malapit na naman akong umiyak.
"Babe. Tito is dead."
Sinamaan ko siya nang tingin. "Pati ba naman ikaw? Naniniwala doon? Di yan patay. Joki joki lang ito. Di ba tay? Tay? Tatay?" Humagulgol na ako.
Di ako makapaniwala. Bakit tay? Bakit? Bakit mo ako iniwan? Ikaw na lang ang meron ako. Ikaw na lang. Why? Sabihin mo sa akin. Please.
Lumuhod ako doon at hinawakan ang malamig na kamay ni tatay at pinatong ko ang aking noo doon at nagsimulang umiyak.
"Tay. Wake up. Wake up now. Hinihintay kita." Hinahalik halikan ko ang kamay ni Tatay.
"Babe."
Tumingin ako kay Ranz at ningitian siya nang malungkot. Umiling ako. Umiling lang ako nang umiling hanggang sa umiiyak na naman ako.
"R-ranz. Di naman ganito ang pinangako niyang uwi sa akin. Hindi ganito. Uuwi siyang ligtas at walang sugat. Sabi niya pa sa akin na walang mangyayari sa kaniya. Ranz ayaw ko. Ayaw ko. Di ko kaya." Tuloy tuloy na sabi ko.
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...