Chapter 47

557 16 8
                                    

Chapter 47.


Meet the parents.


"Ma'am? Pinapatawag niyo raw ho ako?" Bungad ni Angel sa akin.


It's been 5 days nang makauwi kami nila Vincent galing Alaminos.


I must say, madaming nagbago. Araw araw akong nakakatanggap ng messages kay Mama na kumain na daw ako, matulog ng maaga at marami pang iba.


"Wait lang. Timpla mo muna ako ng kape, please." Utos ko.


"Sige po Ma'am." Tumungo ito sa akin bago umalis.


Tinabi ko muna ang mga folders sa lamesa ko at sumandal sa upuan ko. Maya maya ay narinig kong tumatawag sa akin si Ranz.


"Hello." Bati ko pagkasagot ko.


"Hi sunshine."


Di ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. Lord, magkakajowa na ba ulit ako?


"Bakit ka napatawag?"


Nagtataka ako kasi lagi siya si text. Text lagi ang pag uusap namin. Minsanan lang ang call.


"May gagawin ka bukas?"


"Huh? Bakit?" Pagtataka ko.


"Basta. May gagawin ka nga?"


"Wait I'll check."


Tiningnan ko ang plannner ko at nakitang iisang meeting lang pala ako tom at maaga yon.


"May meeting akong isa mga eight o'clock. Why?"


"Good. Sunduin kita bukas diyan ng tanghali sa condo mo. May pupuntahan tayo." Sabi niya.


"Saan mo na naman ako dadalhin?" Mahinahong saad ko.


"Sa Sta.Rosa. Ipapakilala kita sa parents ko."


Nawindang ako sa sinabi niya. What?!


"What?!" Napalakas na sabi ko.


Narinig ko ang malakas niyang tawa sa kabilang linya.


"Ipapakilala kita kamo." Ulit niya pa.


"Are you joking?" Di talaga ako makapaniwala.


"No. So get ready tomorrow at susunduin kita. Bye."


"Ranz!" Tawag ko pero binaba na niya ang linya.


Napabuntong hininga ako. The hell?! Anong iniisip niya? Pero taray ko 'ha, meet the parents agad.


"Ma'am ito na po ang kape niyo." Biglang pumasok si Angel.


Bakit antagal nito?


"Antagal mo?" Kunot noo kong saad.


"Ma'am may gwapo po kasi kaya ehem roar po ako."


Nalukot naman ang mukha ko sa sinabi niya. The hell?! Roar?


"Siya sige, bye na." Lumabas na ito.


My whole day is hectic. Yung meeting ko dapat bukas ay siningit ko ngayong araw para wala na akong gagawin for  tomorrow.


Pagod akong sumalpak sa sofa ng condo ko at doon naupo. Napapikit ako sa sakit nang paa ko. Sobrang sakit parang may paltos pa yata.


ALS1: Tears In Hidden ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon