Chapter 11

548 24 38
                                    

Chapter 11.


Court.


"Tay." Sabi ko ngunit tinalikuran nya lang ako.



Okey? Galit na naman yun.



Kinabukasan di na naman ako pinapansin ni tatay pero pinagluto nya ako ng umagahan.



"Tay." Sabi ko ngunit tinalikuran na naman ako nito. Sungit.



"Tay sorry na." Madamdaming sabi ko. Napaharap naman si Tatay at niyakap ako.



Nagtataka man kung bakit ako niyakap pero niyakap ko na lang siya pabalik. Ilang segundo kaming ganon at lumalas na siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin.



"Bakit?" Tanong ko lase nakita ko sa mga mata nya ang iba't ibang emosyon tulad ng lungkot, saya, at pagmamahal.



Umiling lang ito. "Nakakatuwa lang at nakikita ko na malaki ka na."



Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit naman? Ayaw mo ba akong lumaki?" Tanong ko na ikina-iling lang niya.


"Hindi naman sa ganon. Nakikita ko kase na naiinlove ka na at feeling ko tuloy ikakasal ka na."


Huh? Emotional award goes to Tatay!



"Kanino naman ako ikakasal? Don't tell me kay Ranz? Magkaibigan lang kami ‘non." Sabi ko ngunit ngumisi lang ito sa akin.



"Wala naman akong sinasabing pangalan anak. Masyadong kang napaghahalataan." Sabi niya.




"D-di ah! H-halata kasi na si R-Ranz ang tinutukoy mo kase siya lang ang kakilala mo eh!" Utal utal na sabi ko.



"Utal pa more anak." Humalagpak ng tawa si tatay kaya napa-irap na lang ako sa kanya.



"Bahala ka kung iyon ang iniisip mo." Humiwalay ako sa kanya at nag-ayos na.



"Sige na humayo ka na at walang Sabandong hindi nagpaparami." Sabi ni tatay.



Hingang malalim Kath, Tatay mo yan.



Napailing na lang ako at humalik sa pisnge ni tatay bago umalis.



Habang naglalakad papuntang sakayan ay may narinig akong busina. Napatalon ako sa gulat sobrang lakas ng ingay non. Napatingin ako sa likod habang suot suot ang galit at di maipaliwanag na mukha. Sinasabi ko na nga ba the one and only Ranz.



Ka galeng.



"Papatayin mo ba ako sa gulat?" Tanong ko ng makababa na siya sa kotse niya.



Umiling ito "Hindi. Papatayin kita sa sobrang pagmamahal." At nag korean heart sign pa ito.



Baliw ang lalaking ito!!



Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad.



"Hey Ms. Sungit. Get in." Rinig kong sigaw niya. Napatingin naman ako sa sinabi niya.



Ano raw? Ms. Sungit? Sino? Ako? Eh lung sapakin ko kaya itong lalaking to.



"Hoy. Di ako masungit and for your information nanalo ako dati ng Ms. Kindness nung kinder-one ako ‘no." Sigaw ko pabalik sa kanya.



Napangiti lang ito at hinila ako papuntang shot gun seat.



Pansin ko lang ha! Lagi na akong hinihila ng lalaking ito. Eh kung sapukin ko na talaga to!



"Oh!" Sabay abot ng kape. Tumanggi ako dahil di ako nainom ng kape.



"Di ako nainom niyan." Sabi ko.




Napatingin naman ako sa bintana at nagisip-isip. Paano nakadaan si Ranz sa sakayan? Eh di naman yan nakatira dito.



"Bakit ka nga pala napadaan sa sakayan?" Tanong ko.



Napakamot siya ng batok "Susunduin talaga kita."



Nawindang ako sa sinabi nigya. Bakit naman niya ako susunduin? Baka akala nitong lalaking ‘to ‘e wala akong pera? At namumulubi?



"Tapatin mo nga ako. I want a true answer. Why are you acting like this?"



"Acting like what?" Ngising sagot niya sa akin habang nagmamaneho pa rin.



"Acting like this. Like sunusundo mo ako. Hinahatid mo ako. Di talaga kasi kita maintindihan." Malapit na sa sigaw na tanong ko sa kanya.



Nakita kong sumeryoso ang mukha nya at humigpit ang hawak sa manibela. Natatae ba ito? Nakarating na kami sa school ng wala akong nakuhang sagot sa kanya.



Pababa na sana ako ng hindi ko mabuksan ang pinto ng kotse. Nakita kong nakalock pa ito kaya nilingon ko naman siya at nakatingin lang siya sa unahan. Tumungin ako sa unahan ngunit wala akong makitang tao doon.  May third eye ba siya? Pagtingin ko naman sa kanya ay nahuli ko siya ng tingin.



I think im sweating bullets here.



"P-pabukas ng pinto." Mahina  ngunit kinakabahan kong sabi.



Matigas itong umiling habang nakatitig sa akin kaya napalunok ako. May nagawa ba akong mali? Para namang kakainin niya ko ng buhay dito.



"Lets talk."



Bigla niyang pinaandar ang kotse. Napatingin naman ako sa kanya at nakitanf seryoso ang mukha niya. Kinakabahan na naman ako dito.



Help.



"Saan mo na naman ako dadalhin? May pasok kaya tayo." Paliwanag ko sa kanya.



"I know so lets talk. Quick." sabi niya ng matigas. Im scared.



Di na lang ako umimik at di na nagprotesta. Nakita kong papunta kami sa may harap ng munisipyo na naman at umupo sa tabi niya. Napatingin ako sa kanya ng bumuntong hininga siya.



"Ano bang pag-uusapan natin?" Takang tanong ko sa kanya.



Napatingin naman siya sa akin. Hinila na naman ako ng mga mata niya. Those black pair of eyes is so pretty and so dark.




Umusod ito sa akin kaya napasandal ako sa may pader. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan na nakadikit sa akin.



"Kath." He said using his famous cold tone.



"Why?" I said.



Malalagutan ako ng hininga promise! Ang lapit niya.



Unti unting tumaas ang kanyang kamay. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko kaya ramdam na ramdam ko ang init na dulot nito.



"Kath?" Tawag niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakita kong ang lalim nang kanyang mga mata.



"Hmm?" Nasabi ko na lang.



"Can I? Can I court you?" Sabi niya. May pagmamahal at nyerbyos sa mga mata niyan.



Napangiti ako ng sinabi niya iyon. "Tell me are you making fun with me?" Sabi ko.



"Sana nga pero totoo ito Kath." He said using his famous serious tone.



I can't breathe.



"I know you're scared to be hurt but can't you take a risk? With me? Please?"



________________________
Tonyjade.

ALS1: Tears In Hidden ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon