Chapter 4

919 56 48
                                    

Chapter 4.



Marce.



Magpapasukan na ulit. I decided na dito na mag-enroll sa Alaminos tutal parehas lang din naman sa Maynila.



Sabi ng Tatay ko mag enroll daw ako sa Marce, ang kaso lang ang mahal dun kaya search search muna ako, pero pinakamura pala ang marce kaya no choice. Mahal talaga at mapapagastos talaga pag mag co-college na.



Bukas ang Marce ngayon kaya pupunta na ako doon para mag enroll para kasama ako sa mga first enrollees.



Sumakay na ako ng tricycle at umupo sa baby sit para di na ako maghintay sa susunod na pasahero.


Amporkchop ang hangin di na maayos buhok ko nito. Hinawak hawakan ko ang buhok ko at pinuyod para di masyadong magusot.



Nang makarating na ako sa marce tiningala ko ito. Ang laki pala talaga ng marce nadadaanan lang namin ito dati pero ngayon papasukan kona ito.



I follow the pathway para makapunta ako sa office.



"Hello po." Sabi ko pagkabukas ko ng pinto ng office.



"Hi ineng. Upo ka." umupo naman ako sa upuan na sinabi nya. Inikot ko ang paningin sa office. May mga paintings at awards na sa tingin ko ay sa school galing.



"Hand me the folder please." Sabi nya habang naka buka ang kamay. Kinakabahan pero kinuha ko ang folder at binigay sa kaniya.

Tiningnan nya itong mabuti at ngumiti. Tanggap na ba ako? Bat sya nakangiti?



"Miss sabando right?" Habang naka taas ang kilay.



"Yes po?" Habang kinakabahan na parang na tatae.



"Anak ka ni Joseff Sabando?"



Huh? Bakit nya kilala tatay ko? Nasabi ko ba sa kanya?



"Opo, bakit po?" Ngumiti naman ito at binigay sa akin ang folder.



"No need mag enroll. Enrolled ka na." Nagulat naman ako. Ako? Enrolled? Paano?



"Inenroll ka nang tatay mo dito last month para sa scholarship. Luckily ikaw nakuha naman para dito."


What? Ako? May scholar? No way. Halos di ako makapaniwala at napayakap ako dito.



"Ay sorry miss" sabi ko habang nakangiti dito.



Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. Lakad. Takbo routine ko yan habang palabas ng marce. Tumawid ako para maghintay ng tricycle na masasakyan.



Habang naghihintay ako may nakita akong pamilyar na sasakyan di ko lang alam kung saan ko nakita yun pero bahala na basta pamilyar.



Pumara ako sa tricycle at umupo. Sumulyap ulit ako sa kotse at naka park na ito sa kalsada. Isina walang bahala ko na lang ito at tumingin nalang ng diretso.



Pagkababa ko ng tricycle nagbayad na ako at umalis. Tinakbo ko ang bahay namin at tinawag si tatay.



"Tay totoo bang inenroll mo ako?" Takang tanong ko sa kanya



"Oo anak gusto sana kitang supresahin." Habang nakangiti nyang sabi.



"Salamat tatay. You're the best talaga." Ngumiti naman siya ng malungkot sa akin.



"Sana nga anak, I'm the best pero sorry sa lahat." huh? Anong pinagsasabi nito?



"Ikaw naman talaga ang the best tay."



Niyakap niya lang ako ng pagka higpit higpit. Tapos kikiss ko sya sa dalawang pisngi nya.



Daming ginawa this summer. Namili ng gamit, nag brigada eskwela, nag hanap ng class room para sa pasukan, nakilala amg adviser at basta madami.



Pasukan na bukas pero eto ako nakatunga nga lang at hindi nag plantsa or nag lagay ng gamit sa bag. Lantutay ako kanina pa. Para bang tamad na tamad ako.



Tumayo na ako at nagpunta sa kwarto. Nilabas ko na ang gamit at ang bag at naglagay lagay na. Tamad ulit.



Lagay. Saing. Luto. Kain. Hugas. Lagay tubig. Punas. Higa. Tulog.



Kinabukasan pinag handa ako ni tatay ng pagkain. Hotdog at fried rice lang naman ang kinain ko at naligo na. Pagakatapos kong maligo ay nag bihis, nagsuklay at humingi ng baon.



"O anak." Sabay bigay sa akin ng one hundred pesos cash.



Wow! Nagning ning mata ko habang nakita ko ito. Ito na ata ang pinaka malaking baon ko sa buong buhay ko.



"Salamat dito sa one hundred tay." Sabay yakap ko sa kanya.



Naglakad ako hanggang terminal ng trycycle at sumakay.



"Sa marce po kuya." Sabi ko habang nakangiti.



Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na ako. Nagbayad ako kay manong at bumaba na.



Pumasok na ako sa marce at naglakad papuntang classroom. Hanggang sa may nabunggo ako.



"Ay sorry kuya." Sabay kuha ng dala niyang na hulog.



"Okey lang miss." Habang nakangiti nyang sabi nya sa akin.



"Sorry talaga kuya." Habang pinupulot ang nalaglag. Tumayo na ako at binigay sa kanya ang gamit nya.



"Salamat miss." Sabi nya.



"Okey lang." Nakangiti kong sagot sa kanya.



"Ako nga pala si Jevier." habang nakalahad ang kamay niya sa akin.



Tinanggap ko ito at ningitian sya. Tumango naman siya sa akin.



"I think we saw each other before." Nakakunot noo nyang sagot sa akin.



Pinasadahan ko siya nang tingin mula ulo hanggang baba. Mapanga siya at maputi puti and his eyes is an asset to every girls.



Bagsak din ang buhok niya at feeling ko malambot iyon. Mahahaba rin ang binti niya. Kung susukatin ay siguro 6'4 sya sa tangkad niya.



"Namumukaan kita pero sa tingin ko hindi pa tayo nagkikita dati." Sabi ko sa kanya.



May bigla kaming narinig na sa tingin ko ay bell.



"Hala ba-bye kuya." Sabay takbo at baka nandoon na ang teacher, jusko ayoko ma late.



Pag dating ko sa pinto ng room na nakasara na malamang may guro na. Kumatok naman ako at binuksan ko ito.



"Sorry Ma'am I'm late." Sabi ko habang nakayuko ako.



"It's okay. Pasok ka na miss." Sabi niya sa akin. Pumasok na man ako habang nakayuko pa rin.



"Sige umupo ka na lang sa dulo yun na lang kasi ang bakante." Naglakad naman ako sa upuan nang nakita kong naka ub-ob.



Napakunot noo ko. Hindi ba ito nakikinig at naka ub-ob lang?



"Excuse me mister pero dito daw ako uupo." Napa-angat naman ang ulo nito na naka ub-ob. Napalaki ang mata ko nang makilala ko siya.



Siya yung may birthday sa Hidden Valley Falls!


_________________________
Tonyjade.

ALS1: Tears In Hidden ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon