Chapter 7.
Good day.
Nagulantang ako sa tanong ni tatay. Praning na ba si tatay? Si Ranz? Manliligaw? No way! Mas gusto ko pa sana kung si Jevier eh! Gwapo na friendly pa! Di tulad ni Ranz.
"Tay anong tanong yan? Nakakahiya kaya." Bulong ko kay Tatay.
Bumulong naman si tatay "Nak, binibigyan na nga kita ng magandang future at tingnan mo oh kay gandang lahi ang dala niyan."
Huh? Ano daw?! Future?! Eh, wala pa nga akong jojowain!
"Ay hijo wag mong pansinin ang tanong ko. Gusto mo bang kumain dito ngayong gabi? Masarap ulam namin,nagluto ako ng calderetang baka." Mahabang salita ni tatay.
"Tay wag na nakakahiya." Sabi ko kay tatay.
Narinig kong tumikhim si Ranz "Sige po, sino ba naman ako para tanggihan ang pagkain, isang gutom na mamamayan lang din naman ako."
Sabay silang pumasok sa loob ng bahay at ako ay naiwang tulala at di makapaniwala.
Lakas ng loob mangimbita ni tatay pero dalawa lang naman ang plato namin sa pingganan. Umiling nalang ako at pumasok sa bahay.
Pagpasok na pagpasok ko ay laking gulat ko nang may nakita akong magagandang plato at wait there's more, may pa wine glass pa ang Tatay.
"Salamat po sir."
"Naku wag mo na akong tawaging sir, Tito na lang o di kaya Dad or Tatay na lang para mas maganda."
Anong pinagsasasabi nang tatay kong ito? Nakakahiya legit.
Natapos ang hapunan nang puno nang tawanan at asaran. At wait there's more niyaya ulit ni tatay si Ranz para kumain ulit dito. Di ba nahihiya si tatay? Gosh!
"Salamat po sa pagkain tito."
"O siya sige. Kath ihatid mo si Ranz sa labas ako na bahala dito sa lamesa basta ikaw pa rin ang maghuhugas nang plato." Tumango na lang ako.
"Okay po."
Naglakad kami ni Ranz palabas ng bahay "Uhmm... Sige ingat ka sa pagdridrive"
"Ang cool nang tatay mo noh?" Pag iiba niya sa usapan.
"Oo, kaya mahal na mahal ko yun eh!" Sagot ko habang nakangiti.
"You know what? You're lucky to have that kind of parents."
"Bakit? Nasaan ba parents mo?" Umiling lang ito.
"Sige una na ako. Pakisabi kay Tito thank you sa food I really appreciate it and I enjoyed his company." Tumango na lang ako at kumaway na ar tumalikod na.
Nagulat na lang ako naag may humawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Ranz na nagtataka.
"Bakit?" Tanong ko.
"Goodnight Kath. Sweet dreams." Sabi niya nang pabulong.
Nagulat man pero sumagot ako "Goodnight rin Ranz."
Kumaway ako habang papasok siya sa kotse niya at nawala sa paningin ko.
Papasok na ako nang bahay ng makita ko sa tatay na nakatayo sa may gate na nakahalukipkip na may multo na ngiti sa kanyang labi.
"Bakit ka ganyan makatingin tatay?" Sabi ko.
Umayos siya nang tayo bago magsalita "Gusto ko siya para sa iyo Anak."
Umiling na lang ako at iniwan siya sa labas ng bahay. Ang mga iniisip ni tatay, nakakabuang.
Naglinis muna ako nang bahay bago umakyat. Nag goodnight na ako kay tatay at pumasok na ako sa kwarto ko. Humiga na ako at nag isip.
Napailing na lang ako sa naiisip. Ang daming nangyari ngayong araw,nakakapagod. Patulog na sana ako nang tumunog ang cell phone ko
Ranz:
Goodnight. :)
Umiling na lang ako at napangiti.
A very good day. Indeed.
__________________________
Tonyjade.
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...