Chapter 3.
Name.
Naglinis na kami ng kalat. Nagbibihis na yung ibang guest. Napatingin ako sa katawan ng iba ang gaganda ng katawan kurbadong kurbado at ang kikinis.
"Saan ‘to ilalagay Tay?" Tanong ko kay Tatay habang nag aayos ng kainan.
Napakunot naman ang noo nya. "Ako na diyan magbihis ka na. Aalis na rin tayo mamaya baka di ka na maka langoy."
"Thang you Tatay." Sabi ko bago umalis.
Pumunta na akong banyo at nagbihis ng rush guard na hingi ko lang kay Cousin.
Lumabas na ako ng may biglang pumasok sa banyo na mukhang magbibihis na rin.
Napatingin sila sa akin. Bakit sila nakatingin? May dumi ba ako sa mukha? Hinawakan ko ang mukha ko mukhang okay naman. ‘E bakit natingin to?
"Any problem miss?" Tanong ko ng english.
Myghad thank you Ma'am english at nakinig ako sa inyo kung hindi patay ako nento.
Nagkatinginan sila at sabay na tumawa. Aba't mga gaga toh tinawanan pa ako sila na nga ang tinatanong.
May narinig akong bumulong "chaka." Chaka? Ako? Ako talaga? Aba't mga gaga ‘to ah!
"Excuse me Miss, are you talking to yourself? Because you look like Sisa." pranka kong sabi habang tumatawa.
"Who is Sisa?" Ang taray nitong isa ‘ha, may accent. Pero kakawa naman sila, Sisa di kilala.
"You dont know Sisa? Gosh you poor kids who didn't know Sisa is." Pangiinsulto ko sa kanila habang tumatawa.
I'm enjoying this. Mayaman nga mga tanga naman. Ako naman, mahirap na nga, laitera pa ang gaga.
Naglalakad ako papunta kay tatay habang naglilinis.
"Hi Tatay." Bati ko sa kanya.
"Oh, bakit ang tagal mong mag bihis?" Nakakunot ang noo nya habang nagtanong sa akin.
Napatawa ako "May mga peste kasi kaya nahirapan ako."
Napatango na lang siya habang nakataas ang kilay na para bang hindi naniniwala.
Hehe.
Umalis na ako baka magtanong na sya. Nakita ko na ang paliguan. Ang ganda talaga dito kaya yung mga nakaka afford lang nakakapasok eh.
Nilublob ko ang paa ko tapos umupo sa gilid habang nag iisip.
Nakita ko ang ibang guest na nag sasaya. Tumatawa sila na para bang wala silang mga problema.
Nagulat ako ng may nag wisik ng tubig sa akin. Tumingin ako kung saan nang galing, laking gulat ko galing pala sa may birthday kanina ung anak ng mga reyna at hari kasama pa ang barkada nya.
"Sorry miss" sabi nya habang tumatawa. Kumunot namab ang noo ko. Bakit sila tumatawa?.
Tumayo nalang ako at akmang aalis ng may narinig akong tumawag sa akin.
"Sorry miss did i offend you?" Offend? Saan naman ako ma o-offend?
"Huh?" Takang tanong ko sa kaniya.
Napataas naman siya ng kilay na parang di maka paniwala.
Ibubuka na nya ang bibig nya nang may tumawag sa akin.
"Kath?!"
Shit aalis na agad kami? Ang bilis naman? Di pa nga sila tatay na kaka langoy aalis na?. Napatingin ako sa harap ko na naka tingin lang sa akin.
"Ano nga ulit yun." Tanong ko sa lalaking naka tingin lang sa akin.
"What's your name?" Bakit niya tinatanong? Di naman ako na inform na may paganto pala.
"Kath tara na! Ano ba!" Sigaw sa akin ng Tatay ko.
"Wait lang po, pariyan na." Habang naglakad na papunta kay Tatay.
Nasa kalagitnaan ako ng pag lalakad ng may humigit sa braso ko. Napatalon naman ako sa gulat nang makita ko si birthday boy.
Ang lapit ng mukha nya sa akin halos di na ako makahinga pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nya. Meron siyang mapupungay ngunit madidilim na mga mata, mala perpektong panga, nababa ang tingin ko sa labi nya, tangina? Parang hugis puso ang labi nya,naamoy ko naman ang hininga nya putcha! Ano ba toothpaste nento? Ang bango sobra!
Nabalik ako sa reyalidad ng tinanong nya ako.
"What's your name, miss?" Tanong nya sa akin habang naka taas ang makakapal nyang kilay.
Napakurap kurap pa ako baga makasagot. Ang gwapo! Sadya! Hinulma ni God! Pinagpala!
"Kath, Katherine Ellaine Sabando."
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...