Chapter 35

551 15 3
                                    

Chapter 35.


Wrong side.


Dumaan na ang dalawang linggo pero di pa rin ako tinatantanan ni Ranz.


He can't stop bugging me!


Lagi niyang dinadahilan sa akin ang kaso na pinaglalaban namin parehas. Although magkalaban kami pero nag uusap pa kami.


I stand up harshly nang may kumakatok sa pintuan ko. Pagod na pagod ako please lang. Ayoko pang magtrabaho.


Lantang gulay kong binuksan ang pinto. Lalong nalukot ang mukha ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Ranz.


Huminga ako ng malalim. "Ano na namang ginagawa mo dito?" Agaran kong tanong.


"Tomorrow is the last hearing. Kinakabahan ka na ba?" Ngising tanong niya.


Ang yabang niya!


"No. Bakit ako kakabahan sayo?" Tanong ko pabalik.


"I know na first case mo to simula nung grumaduate ka. Nakakahiya naman kung matatalo ka." Nakangisi niyang saad.


Tiningnan ko lang siya nang mahinahon. Bumuntong hininga ako.


"Di rin. Kung matalo man ako. Alam nang kliyente ko na ginawa namin ang lahat. Yon ang mahalaga sa amin."


Umupo ito sa couch namin at tinabihan ako. Tumingin ako sa kanya nang nakangiti.


"Sabi ni tatay. Okay lang ako matalo basta ginawa ko yung best ko. Dati kasi natalo na ako sa isang laro na never kong ginawa ang best ko." Sabi ko habang nakangiti pa rin sa kanya.


Naalala ko ang ginawa ni Ranz at Jevier sa akin dati. Isang laro na never kong napalanunan pero never ko din ginawa ang best ko.


"Why are you bothering me?" Masinsinang kong tanong.


I just want to know kung bakit niya ako ginugulo. I mean bakit ganto? Di ba dapat naasiwa kami sa isa't isa kasi mag ex kami?


"What?" Pabulong na niyang sabi.


"This. What are you doing this? Mag ex tayo!"


"I-i don't know." Nakayuko niyang saad.


"You know what? You should stop bugging me. You should stop going here. You should stop seeing me. It's not appropriate!"


"You want me away?" Tanong niya.


Tumingin ulit ako sa kanya. Masinsinan. Ang mukha niya, let's just say, i miss him. Alam ko sa sarili ko na na miss ko siya.


His eyes. His nose. His hair. His smell. His smile. His touch. His voice. His everything. I miss him. All of him. I admit it.


"You want me away?" He asked me again.


"Yes. Nananahimik na ako tapos dadating ka? Ano bang trip mo? Why you keep bugging me?" Sunod sunod kong tanong.


Hindi siya nakaimik. He just staring me. I smiled at him.


"I want you gone."


"That's what you want?" He whispered.


Tiningnan ko siya ng masinsinan. Na Miss kita. Huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin. "Yes."


ALS1: Tears In Hidden ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon