Chapter 14.
Flowers.
Nagising ako ng maaga dahil tawag ng tawag si tatay. Wala pa ako sa mood tumayo kaya humiga ulit ako.
"Good morning my sunshine."
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko si Ranz. Tumingin ako dito at naka uniform na at ayos na ayos ang bawat hibla ng buhok. Nakangiti ito sa akin at nakatingin sa akin.
Ang gwapo niya diyan!
Pasimple kong hnawakan ang mukha ko at kinapa kung may muta ba or panis na laway.
"You look good in the morning by the way." He said.
Inirapan ko lang ito at ningusuan bago bumalik sa higa. Antok na antok talaga ako dahil sa pinagsasasabi niya sa akin.
"Sunshine, My sunshine, Yuhoooo~ Wake up, May pasok pa tayo."
Umupo ako mula sa pagkakahiga at sinamaan siya ng tingin at galit na bumuntong hininga.
"Oo na. Oo na. Tatayo na. And wait." Nag-wait sign ako
"What are you doing here? Seriously? 5:00 in the morning? Nambubulabog ka na here?" Malaking mata kong sabi sa kanya habang kinukuha ko ang suauotin at gagamitin ko.
"Ano ba sabi ko kahapon? Di ba susunduin kita? I promised you that." His voice sounded like what-the-heck?
Napakunot ang noo ko. Akala ko kasi di niya totohanin kala ko biro biro lang.
"Akala ko kasi di mo gagawin." Sabi ko.
He just shrug and go down stairs. Sumunod naman ako dito at napansing umupo pa talaga sa sofa namin habang nakataas ang paa.
Wow! Feel na feel na bahay niya ito. Feel at home siya rito sa bahay namin. Di na nahiya!
Di ko na lang siya pinansin at gumawa na ng dapat gawin sa umaga. Naligo, nagbihis ng uniporme at kumain ng almusal na luto ni tatay siyempre! And wait, nakikain pa talaga si Ranz! Naki-upo na nga habang nakataas ang paa at makikikain pa sa maganda naming plato na ‘pambisita' lang.
"Ranz bakit ka nga pala nandito? Umagang umaga?" Tanong ni Tatay.
"Susunduin ko si Kath. Ngayong araw ang simula ng panliligaw ko sa kanya." Nakangiting sabi niya kay tatay bago tumingin sa akin at kinindatan ako.
Ehe! Che! Kath wag malandi!
"Okay. Wag mo lang sasaktan ang anak ko kung hindi ilalabas ko sa iyo ang mga itak ko at tatabasin ko ang itlog mo." Matigas na sabi ni tatay.
Napangiti ako dahil sa sinabi ni Tatay. Protective rin pala kala ko ipapamigay na ako kay Ranz eh!
Tumango si Ranz at tiningnan ako nito. Tinaasan ko naman siya nang kilay at binigyan ng what-are-you-looking-at-look. Napailing ito at bumalik sa pagkakain.
Ilang sandali pa ay natapos na kami sa pagkain at naghandang umalis.
"Bye Tay." Sabi ko habang palabas.
"Bye Tito."
"Ingatan mo anak ko Ranz. Ingat sa pag dri-drive." Sigaw ni tatay. Mag thumbs up lang si Ranz at lumabas na.
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...