Chapter 22.
Flat line.
Di ako mapakali dito sa loob nang jeep na sinasakyan ko. Kanina pa ako iyak ng iyak dahil sa nabalitaan ko. Pinagtitinginan na ako sa loob neng jeep pero wala akong pakialam.
Nasa tapat na ako ng jeep nang bigla na lang ako bumaba at hindi na nakapagbayad. Deretso ako agad sa isang nurse para tanungin kung nasaan ang ER.
"Miss. Saan ang Emergency room dito? Tanong ko sa pinakamalapit na nurse sa akin.
"Doon po Ma'am sa kaliwa." Sabay turo sa kaliwang bahagi ng ospital.
Tumingin ako doon at nakita ko nga ang malaking sign nang ER.
"Sige. Salamat miss." Sabi ko sabay takbo ko para makapasok sa loob nang er.
Pagpasok ko sa loob ay madami akong nakitang pasyente na nakahiga. Inisa isa ko ang bawat kama nang makarating ako sa bandang dulo.
Tumigil qng mundo ko nang makita ko ang Tatay ko, pumping his chest. Fighting for his life.
Dahan dahan akong lumapit doon na halos di na ako makahinga.
Nakita ko si tatay na nakahiga at di mgmaganda ang itsura. Puno nang dugo ang mukha niya at may bukol pa sa noo.
Tuluyan na akong lumapit doon pero hinarang ako nang nurse.
"Sorry miss pero bawal ka dito." Sita nang nurse sa akin. Umiling iling ako at nagpumilit akong makalapit.
"Ano ba! Bitawan niyo ako! Kailangan kong makita ang tatay ko! Kailangan ko siyang makita! Tay! Tay! Tatay! Wag ganto please! Wag ganto!" Sigaw ko.
Pinagtitinginan na ako nang mga tao sa loob pero wala talaga akong pake. May humawak sa aking braso na isang doktor dito sa ospital.
"Bitawan niyo ako! Ano ba?! Tatay ko yan! Bakit niyo ba ako pinagbabawalan?! Please! Papasukin niyo ako!"
Lumuhod ako sa isang doktor para papasukin ako pero bawal talaga.
Wala akong nagawa kung hindi magintay na lang sa labas nang kurtina.
Napaupo ako sa isang sulok at doon ako umiyak. Di ko alam ang gagwin ko. Baka mapaano si tatay.
"Miss. Sabando!" Napaangat ako nang tingin nang makita ko ang sekretarya nang boss ng tatay ko.
"A-ano ho bang nangyari? Please! Sabihin mo sa akin kung ano talagang nangyari!" Hagulgol na sabi ko.
"Sira ang brake nang sasakyan." He said.
"Sira? Paanong nasira? Eh diba lagi niyong pinapatingnan kung may mali ang sasakyan bago sila umalis?" Tanong ko.
Tandang tanda ko noon kase sabi ko kay Tatay baka delikado ang sasakyan pero sabi niya laging pinapatingin yon kung may sira baka kasi madisgrasya ang boss niya.
"Well yes! Lagi namin pinapatingnan ang mga sasakyan na gagamitin! But this? I think planado lahat?!" He said.
Planado lahat? Sinong nagplano? Sinong gustong patayin? Si tatay? Ang boss niya? Gulong gulo na ako. I can't even think right.
"Sino sa tingin mo ang nagplano?" I asked him.
Kumibit balikat ito. "I don't know. Basta ang alam ko lang planado lahat. Ang brake nang kotse ay sira sira kaya hindi gumana. And even the hand break is broken! So they left no choice kaya bumangga sila sa puno."
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...