Chapter 16

431 18 11
                                    

Chapter 16.



Getting there.



"Ranz!" Sigaw ko sa kanya nang may halong galit sa pananalita.



"Anong kalokohan na naman itong pinaggagagawa mo ha?!" Sunod kong tanong sa kanya.



"What?" Ngising tanong niya.



"Anong what? What? Wag mo akong englishin malilintikan ka sa akin!" Pasigaw kong sabi habang naka-pameywang sa harap niya.



Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito dahil atua sa pag-sigaw ko. May naririnig akong bulungan.



"Anong kinagagalit niyan?"

"Ang ingay dito pa sila sa may cr."

"Ang gwapo ni boy."

"May LQ ata mga dai."



Napakunot ang noo ko sa mga narinig kaya hinila ko si Ranz palabas ng Comfort room and dinala sa may upuan sa loob pa rin ng SM.



"Ano ba itong suot natin? At mag-kaparehas na magka-parehas? Ano bang trip mo?" Tanong ko nang mahinahon na nang kaunti.



"Suot natin ay couple shirt kaya sila parehas na parehas. At ikaw naman ang trip ko sa buhay." Pagkasabi noon ay kinindatan niya ako at ningitian.



"Paano ako makakalakad niyan? Magkatabi pa tayo? Baka may makakita sa atin? Nakakahiya!" Sabi ko na natataranta na.



Tumawa lang ng malakas si Ranz kaya tiningnan ko siya ng masama.



"Relax sunshine. Dun din naman tayo mapupunta. As a couple." Kibit balikat na sagot ni Ranz.



Magsasalita pa sana ako nag hinigit na ako ni Ranz at inakbayan. Syempre ang loko nilagay ako sa kaliwa niya para magkadugtong ang couple shirt.



"Nakakahiya. Madaming nakatingin sa atin." Bulong ko kay Ranz.



Nilibot niya ang tingin niya para kumpirmahin. Nung nakita na niya na maraming nakatingin ay ngumiti lang ito at lalong humigpit ang akbay sa akin.



"Grabe ang sweet nila grabe!"

"Yung jowa ko kasi ayaw ng couple shirt kasi corny pero sa kanilang dalawa ang sweet!"

"Mag bre-break din kamo yan"




Nahihiyang tumungo na lang ako nang marinig ang mga komento nila.



"Sunshine, wag kang makinig sa kanila. Di tayo mag bre-break kasi di pa naman tayo. Kung maging tayo man di kita sasaktan." Sabay halik sa gilid ng noo ko.



Siniko ko naman ang tyan niya. "Umayos ka nga diyan. Kung ano ano ang pinag sasasabi mo." Sabi ko sa kanya.



"Saan mo pa bang gustong pumunta?" Ngiting sabi ni Ranz sa akin.



Napatitig ko sa mukha niyang nakangiti. Ang aliwalas talaga nang mukha niya pag nakangiti siya. Ansarap niyang titigan kahit maghapon hanggang madaling araw.



Those perfect pearl teeth is so white and clean. Sarap niya sigurong pakainin at videohan.



Mukbangan kami ng pareho.



"Kath?" Napabalik ako sa eisyo nang tawagin niya ang pangalan ko.



"H-ha? A-ano nga ulit yun?" Ngatal na sabi ko.



ALS1: Tears In Hidden ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon