Chapter 13.
Seryoso.
Ngumiti lang si tatay. Bakit siya nakangiti? Di ba siya magagalit? Diba dapat ganon? Sa mga nababasa ko kase una laging tutol ang ama pero si tatay? Nope.
"Bakit ako ang tinatanong mo diyan? Ako ba ang liligawan mo? Diba dapat sa anak ko ikaw magtanong kasi siya ang liligawan mo?" Tanong ni tatay kay Ranz.
Napakamit ng batok si Ranz "For formality? I guess?" Nahihiyang ngumiti si Ranz kay Tatay.
"Okay lang sa akin hijo. Basta di mo sasaltan ang anak ko cause she gone too far na."
Taray! English! Ano tong si tatay? Conyo conyo king?
Napatingin sa akin si Ranz at ngumiti. Napangiwi ako pabalik.
"I know. Thats why I'm here to prove it." Sabi ni Ranz.
Hihimatayin na ata ako sa mga sinasabi ni Ranz. Lakas ng loob niya na mamaalam kay tatay. Sa tatay ko. Feeling siguro nito napakalakas niya kay tatay?
"Ang anak ko ang mag didisisyon niyan. Sige iwanan ko kayo at mag usap kayo pero walang sagutan agad Anak." Sabi ni tatay.
Anong sagutan? Akala ba ni tatay sasagutin ko na si Ranz? Ganon ba tingin niya sa akin? Atat magkajowa?
Iniwan na kami ni tatay at naiwan kami ni Ranz sa may garahe. Di ako makapagsalita. Kinakabahan na namn ako kung saan ito patungo. Ano ba kasng naisip ni Ranz at ginaganto ako? Siguro nakahithit ‘tong gagong to.
Himinga ako nang malalim saka tumingin kay Ranz. Nakatingin din pala siya sa ako ng diretso na para bang kanina pa niya akong pinagmamasdan.
Pinasadahan ko ang buong mukha niya. Itong lalaking to na nakilala ko sa Hidden Valley ay manliligaw sa akin? Itong lalaking hinangaan ko sa mala greek god niyang wangis? Para namang pag magdadate kami ay mag mukha akong alila o yaya niya?
"Kath."
Nabalik ako sa wisyo ng tinawag niya ako nang malambig. Nanghihina ako pag ganto kami kalapit sa isat isa. Di na naman ako makahinga kasi bawat hinga ko ay naaamoy ko ang mabango niyang amoy.
"Kath. I'm not rushing you to love me. All i want is assurance." He said.
"Assurance? Para saan naman yun?" Takang tanong ko sa kanya
"Assurance na mamahalin mo rin ako pabalik." Nahigit ako ng hininga sa sinabi niya.
Mamahalin? Ko siya pabalik? Edi ibig sabihin non mahal niya ako? Eh saan niya ako minahal? Na love at first sight ata to sa ganda ko. Napangiwi ako at tumawa na lang sa sinabi niya.
"Seryoso ka ba?" Takang tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin "Hihingin ko ba ang pangalan mo sa Hidden Valley kung hindi?" Tanong niya.
Taray, so sa Hidden Valley pa lang nabihag ko na siya? Yes girl!
"So sa Hidden Valley pa lang?" Tumango ito at ngumiti. Nakita kong Kumikislap ang mga mata niya.
"You look so innocent there. So pure. So fragile. Nung nahawakan ko braso mo feeling ko mababali kita pag di kita hinawakan ng ayos."
Natahimik ako sa sinabi niya. Naramdaman nya rin kaya yung parang kuryente sa kamay ko dati? Napailing na lang ako sa naisip ko.
Napaigtad ako at napatingin sa kanya nang hawakan niya ang kanang pisnge ko at hinarap sa kanya. Napatingin ako ng deretso sa mga mata nya. Ang kanyang black deep eyes.
"W-why?" Sabi ko habang nauutal. Kinakabahan na naman ako sa sasabihin niya.
Siya lang ang makakagawa sa akin nito pinapakaba ako, pinapautal ako, pinapatawa kahit walang kwenta, sa kanya lang. Sa kanya lang talaga. Di na rin ako dinadalaw ng mga panaginip ko dahil sa kanya. Nakakatuwa lang.
"Alam ko na naguguluhan ka pa sa nanggyayari at nasasabi ko sayo." Nakatingin lang ako habang nagsasalita siya.
"Pero pangako sa harap ng bahay nyo, sa teritoryo ng tatay mo, sa aso niyo, sa buwan, sa araw, sa mga bituin, pangako ko sa iyo di kita iiwan. You trap me in your heart kahit anong gawin ko I can't get out.Kaya panindigan mo ako. Di pwedeng ako kang ang nagkakaganito dapat ikaw rin. Mahuhulog ka rin sa akin at handa naman akong saluhin ka." Na-touch ako sa sinabi niya.
May magmamahal pala sa akin ng ganito?
Huminga ako ng malalim "Pag iisipan ko, Ranz." Sabi ko. Tumango naman ito bilang pagsang ayon.
"Liligawan kita araw araw. Ihahatid. Susunduin. Pakakainin. Aalagan. Kung gusto mo bibihisan na rin at paliliguan. Basta sa akin lang ang bagsak mo Kath. Sa akin lang." Matigas na sabi niya.
Kinakabahan na ewan ang nararamdaman ko ngayon. Baka totohanin niya yun lahat ayoko namang bihisan niya ako noh! Nakakahiya kasi!
"Sige na my sunshine umakyat ka na at matulog dadalawin pa kita sa panaginip." Hinalikan niya ang gilid ng noo ko
"Sweet dreams my sunshine. Bye." Sabi niya bago umalis. Di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.
Narinig kong tumikhim si tatay. Napatingin naman ako sa kanya at nakitang nakataas ang kilay ni tatay habang bakasandal sa may pinto.
"Anong sabi niya anak?" Tanong niya.
"Wala Tay. Chismoso mo." Sabi ko habang nakanguso at kinikilig.
"‘O siya love life mo yan basta huwag malandi masiyado at easy to get." Pangaral niya kaya tumango nalang ako dito.
"O siya sige matulog ka na at wag masiyadong kiligin baka mamatay ka niyan." Natawa na lang ako sa sinabi ni tatay.
Pumasok na ako sa kwarto ko. Naiisip ko pa rin ang mga sinabi ni Ranz. Nakakaloka talaga di kaya ng brain cells ko.
Tumunog ang cellphone ko at nakita ko na may text si Ranz. Binuksan ko ito at binasa.
Ranz:
Good night Kath. Sweet dreams.
Napangiti ako at pumikit. Sweet dreams Ranz.
________________________
Tonyjade.
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...