Chapter 29

441 11 10
                                    

Chapter 29.

Tears.

Nakarating na akong bahay. Di pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko.

May mga tabong na pumapasok sa isip ko like, bakit sila magkasama? Bakit di ako sinipot ni Ranz pero magkasama naman sila sa mall din? Sino ba si Cheeny sa buhay niya? Magkakilala ba sila?


Umiling ako sa aking naiisip. Kinamit ko ng marahas ang aking buhok at umupo.

"Punyeta naman!" Malakas na sabi ko.

Tiningnan ko ang cellphone ko kung may text siya sa akin. Napabuntong hininga ako nang makitang wala.

Letse! Letsugas! Patatas!

Binuksan ko ang electric fan at tinapat sa mukha ko at doon kumuha ng hangin. I feel sofucated.

C'mon Kath! Breath in! Breath out!

Paulit ulit ko yong ginawa hangagang kumalma ako. Napasandal ako sa sofa at pumikit.

Di ako lolokohin ni Ranz! First of all, may tiwala ako sa kanya. Second, bakit niyo gagawin sa akin iyon?

Pero si Cheeny? Hays... Di ko knows.

Hiniga ko ang sarili ko sa sofa. Mabuti pa at matulog na pang ako kesa iniisip ko yang dalawa na yan.

Hmp!

"Iniwan ka nang tatay mo. Wala ka nang pupuntahan."

Napahikbi ako. Natatakot ako. Iniwan ba talaga ako ni tatay?

Hinawakan niya braso ko. "Dito ka na maninirahan sa amin." Humalakhak ito ng malakas.

Kinilabutan ako sa tunog ng paghalakhak niya. Ume-echo ito sa buong paligid.

"N-nasaan p-po ba s-si t-tatay ko?" Sumama ang tingin nito sa akin nung sinabi ko iyon kaya napa-atras ako ng isang hakbang palayo sa kanya.

Hinawakan niya ang braso ko. "Di ka sasama sa kanila. Sa amin ka na." Humigpit pa lalo ang hawak niya sa braso ko kaya nasasaktan na naman ako.

"A-aray po." Reklamo ko. Ngumisi ito sa akin saka binitawan ako nito ng padabog.

"Linisin mo ang bahay Katherine."

Napamulat ako kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. Dinalaw na naman ako ng panaginip na iyon. It's been years nung huling panaginip ko doon.

Tumayo ako sa sofa para mahimasmasan. Ang panaginip na iyon, di basta basta. It's a memory for me, an awful memory. It's about my past, a past na kailangan ng kalimutan at di na balikan.

Pumunta akong kusina para ayusin ang groceries ko. Nilagay ko ito sa tamang lalagyan.

Yey! Puno na ulit ng food ang house ko!

Masaya kong tiningnan ang mga pagkain na nasa mga drawer ng aking kusina.

Sarap buhay na naman si Kath! Pati tiyan niya!

Kinabukasan ay walang pasok so pagala gala ako dito sa lugar namin. Napakunot ang noo ko nang makitang nagkakagulo sa bahay nila ate Elvie.

"Ate Elvie? Anong? Bakit kayo nagkakagulo?"

"Buti napadaan ka Kath! Sama ka sa amin. May pupuntahan ka ba?" Umiling ako. "Great! Sumama ka sa amin sa Hidden Valley. May nagpacater ulit doon. It's been years nung huli kaming nag cater sa Hidden Valley. Bonggahin ang pamilya. Mayaman!" Tuwang tuwa si Ate Elvie nung sinasabi niya ito sa akin.

ALS1: Tears In Hidden ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon