Chapter 43

509 11 6
                                    

Chapter 43.


Childhood nightmare.


Tahimik kaming bumabyahe pauwi sa bahay ko. Napabuntong hininga ako nang maalala ang usapan kanina.


"Lalaki siya and Velasco ang surname niya. Eriberto Velasco."


Napasinghap ako sa narinig kasabay nang pagtayo ni Ranz habang gulat na gulat ang mukha.


Eriberto Velasco?


"R-Ranz." Tawag ko kay Ranz habang paiyak na.


Dinaluhan ako nito at doon na ako napahagulgol. Rinig ko pa ang tanong ni Sir James sa akin.


"Kath? Are you okay? Why are you crying?" Alalang sabi nito.


Si Ranz ang sumagot. "Tito Bert is the current husband of her Mama, Tita Yen."


Humagulgol lalo ako sa sinabi niya. Tama siya.


Kung current husband ni Mama si Eriberto ibig sabihin? Tatay ni Cheeny si Erberto?!


Fuck! My life is a whole mess!


"S-sorry." Sabi ko kay Ranz kasi nabasa ko ang damit niya sa pag-iyak ko.


Ngumiti ito sa akin. "Anything for you." Ningitian ko siya pabalik.


"So... Tatawagan na lang kita kung may lead na ulit kami. Don't worry, kami na sa Abogado, Abogado ng kumpanya ang hahawak sa kaso ng boss ko at ng tatay mo. We will call you."


Tumnango tango ako at nagpasalamat ng lubos lubos. "Salamat po talaga. Thank you so much sa pagtulong."


"I promise bibigyan natin nang hustisya ang tatay mo." Sabi nito sa akin.


"Thank you po talaga." Huling pasasalamat ko bago siya umalis."


"Let's go na din Kath?" Tumango ako.


Naandar lang ang sasakyan at nakatingin lang ako sa bintana nito.


"Kath, you okay?"


"R-Ranz. May ipagtatapat ako mamaya tungkol sa kabataan ko pagdating na lang natin sa bahay." Malungkot kong sabi.


"Okay." Mahinang saad niya.


Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay at umupo ako sa may salas.


"Anong sasabihin mo Kath?"


Huminga ako ng malalim bago magsimula.


"Nung bata ako, dinala ako ni tatay sa nanay ko. Alam kong hiwalay na sila nun." Panimula ko.


Tumango ito sa akin. "Okay, and then?" Takang sabi niya.


"Laging wala si Mama nun sa bahay kaya palagi kong kasama yung asawa niya which is step father ko." Dugtong ko.


"Shit." Rinig kong wika niya.


"Kaya siguro di ko matandaan ang mukha ni Mama kasi wala siya lagi sa house pero tandang tanda ko ang pangalan at mukha nung step father ko."


"Laging sinasabi sa akin ng step father ko na di na daw ako babalikan ni tatay kasi binigay na daw ako ni tatay sa kanilang dalawa ni Mama."


Ramdam kong patulo na ang luha na namumuo sa mga mata ko. Suminghot ako bago magpatuloy muli.


"Lagi niya akong sinasaktan, hinahawakan ang braso ko hanggang sa mamaga sa higpit ng pagkakahawak sa akin. Ginagawa niya iyon lagi pag wala si Mama sa bahay."


Tumulo na ang luha na pinipigilan ko kaya napatayo si Ranz at tumabi sa akin bago punasan ang luha ko.


"I'm here to listen everything." Bulong niya sa akin bago halikan ang buhok ko.


"Until now, all the doings he do to me are always hunting on my dreams. Palagi."


"Ang bata ko pa nun para maranasan yun. One year din ako sa pamilya ni Mama bago ako kunin ni tatay sa kamay nila."


Huminga ako ng malalim. "Never kong sinabi kay tatay ang nangyari sa one year na iyon pero na fefeel ko na may alam siya kasi pagkatapos nung pagtira ko doon lagi siyang nag sosorry sa akin pag tinatanong ko naman siya sabi niya wala wala lang."


"Ikaw ang unang beses na sinabihan ko nito." Tumingin ako kay Ranz. "Don't tell my secret to every one."


Niyakap niya ako nang mahigpit. "I promise." Hinalikan niya pa ako sa noo.


"Kilala ko si Tito Bert. Mabait siyang asawa kay Tita Yen at ama kay Cheeny. Lagi niyang pinapakita na mahal na mahal niya ang dalawa." Panimula niya kaya napatingin ako sa kanya.



"Kaya nagulat talaga ako sa sinabi ni Sir James at sa kinuwento mo sa akin."


"Pero yun ang totoo."


"I know. I know di ka magsisinungaling sa akin kaya naniniwala ako sayo Kath. I trust you."


"Paano kung step father ko nga ang nagputol ng break ng sasakyan kaya namatay si tatay."


"Then we will make sure to have a justice kay Tito."


"Paano si Cheeny? Kung step father ko nga ang may kagagawan, ngayon pa lang naaawa na ako kay Cheeny kasi masisira family niya."


Baka magalit si Cheeny sa akin. Baka sisihin niya ako. Umiling ako sa naiisip ko. No, no matter how it cost I will give the justice for my father.


"Then we will talk to her. Ipapaintindi natin sa kanya ang sitwasyon."


Napatungo ako sa sinabi ni Ranz. Naiiyak ako. For eleven years wala akong balita sa kaso ni tatay and then now, we will have justice for him.


I love you tatay, so much.


Hinawakan ni Ranz ang baba ko at inangat niya ito. Sinalubong ko naman ang tingin niya sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi.


"We can do this, together."


Napapikit na lag ako sa sinabi niya. Yep, we can do this together. Nagitla ako ng maramdaman ko ang labi ni Ranz sa akin.


Maiinit. Malambot. Mamasa masa. Masarap. Yan talaga ang lagi kong nasasabi pag hinahalikan ako ni Ranz.


Napapikit na lang ako para lasapin ang init na hatid ni Ranz. Nilagay ko ang kamay ko sa batok niya at mas diniin siya sa akin.


Ang sarap!


Naghahabol kaming ng hininga pagkabitaw namin sa isa't isa. Nakadikit lang ang noo namin at nakapikit.


"Like I said, I can die helping you." Pabulong na sabi niya.


"I can't bear seeing you crying like this. I know you faced all of the sufferings you face on your childhood but now, I want you to think na nandito na ako, Nandito na ako para sayo. Pro-protektahan na kita, always."


Bumuhos ang luha ko sa pagka-touch sa sinabi niya.


"Salamat. Salamat at nandito ka palagi."


"I promise."


Hinalikan niya pa last time ang tungki ng ilong ko bago humiwalay sa akin.


"So kailan natin kikitain si Tita Yen?"


"Bukas. Bukas na tayo pumunta sa kay Mama. Baka kung ngayon ag himitayin na ako sa iyak." Joke ko pang sabi sa dulo ng talata.


"Okay."


Tumayo na ako. Tiningnan ko siya nang mariin bago ko ilahad ang kamay ko sa harapan niya.


"Kain tayo?"


______________________

Tonyjade.

ALS1: Tears In Hidden ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon