Chapter 12.
Namaalam.
Days had passed and I can't even looked at Ranz. I feel so guilty but what am I gonna do? I'm so shocked. What he just said is not a freaking joke. Ilang gabi narin akong walang tulog kakaisip sa tanong nya.
Bumaba ako para uminom ng gatas para makatulog naman ako. Nagulat ako ng makita ko si tatay sa labas ng pinto ng kwarto ko na may dalang gatas.
"Tay? Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito at ini-abot sa akin ang gatas na dala dala niya.
"Kamusta ka?"
"Ha? Okay naman ako ‘a!" I laugh awkwardly. Tinaasan naman ako nito ng kilay.
"Anak kita kaya alam ko kung merong gumugulo sa isip mo." Sabi niya ng mahinahon. Napabuntong hininga na lang ako.
"Tay paano mo nasabi na si Nanay yung gusto mong anakan?" Napatawa ito sa sinabi ko.
"Anakan talaga? Pwede namang gustong makasama habang buhay?" Tanong niya.
"Diba naghiwalay kayo? Kase sa America kayo nagpakasal?"
"Bakit mo nga pala naitanong yan nak? May gusto ka bang anakan?" Ni ngusuan ko lang siya sa sinabi nya.
"De, seryoso kasi nung nakita ko kasi ang nanay mo sobra niyang ganda pati yung mundo ko napahinto niya. Cheesy man pakinggan pero yun talaga naranasan ko."
Napa-isip ako. Naranasan kaya ni Ranz sa akin yun? Napahinto ko rin ba ang mundo niya? Para ligawan ako? Parang kailan lang sabi pa niya tutulungan nya raw akong kalimutan si Jevier. Ito na ba yung tulong na sinasabi niya? Pero para namang di siya nag jojoke.
Napatingin ako kay tatay ng kinalbit niya ako. "May problema ka ba Anak? Kanina ka pa kamong nag bubuntong hininga diyan." Sumandal na lang ako sa balikat ni tatay at umiling.
"Kung may problema ka nak nandito ako para sayo. Dumaan din ako sa stage na yan malaki ka na at may tiwala ako sayo pero bawas bawasan mo kakirihan mo ha anak?" Napatawa ako at tumango sa sinabi niya.
"Sige matulog ka na at sisimba tayo bukas." Napatango ako bilang pagsang-ayon. Hinalikan niya ang noo ko at nama alam na.
Humiga ako at napatingin sa kisame. Bukas na kita proproblemahin Ranz patulugin mo muna ako. Minutes later the sleep fairy grant my wish.
Kinabukasan ay pupunta kaming SM para kumain ni Tatay. Maaga kaming nag-ayos at umalis na.
Habang papunta kami doon ay nakasalubong namin si Ranz at Jevier na naglalakad din.
"Oh? Nasaan yung kasama mo kanina? Sino nga yun Anak?" Tanong ni tatay sa akin.
"Si Jevier tay. Kapatid niya po." Sagot ko sa tanong niya.
Tumango naman si tatay sa sinabi ko. At naglakad na paalis.
"Wait!" Napatingin naman ulit kami kay Ranz ng tawagin ulit kami.
"Where are you going?"
"SM. Kakain kami sa labas" sabi ni tatay.
"Can I come and join the both of you?" Alinlangan na tanong ni Ranz.
Tumango si Tatay. "Sige lang basta libre mo na ngayon."
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...