Chapter 17

396 17 11
                                    

Chapter 17.



Preparation.



Today is the day. Pupunta kami ni tatay sa mall para mag pa-ayos ng buhok at make up. Bibili na rin kami ngayon ng damit kaya maaga pa lang ay papunta na kami.



"Anak tara na." Aya sa akin ni Tatay, Sabay lakad palayo.



Tumakbo ako papunta sa kanya at sumabay sa paglalakad niya.



Sumakay kami sa trycicle para papunta sa sakayan ng Jeep. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na kami sa sakayan.



Naghintay muna kami ng siyam siyam bago makasakay sa Jeep. Umupo ako sa may tabi ng labasan ng Jeep kase favorite spot ko yun ng Jeep.



Nagdaan ang labing limang minuto ay nakarating na kami sa Sm. Tumawid kami at pumasok na sa Mall.



"Anak saan ba tayo magpapa-ayos ng buhok at make up mo? Daming salon dito, pare-parehas lang naman ang serbisyo." Reklamo ni tatay.



"Ay ewan Tay. Ngayon nga lang din ako magpapa-ayos sa sarili ko." Sabi ko habang iniikot ang mata ko sa Mall.




"Naku, doon na kang tayo." Sabay turo sa may kulay pink na banner na may crown.



Tumango ako at naglakad na papunta doon ng napansin kong hindi sumunod si tatay.



"Tatay? Bakit ayaw mo pang sumunod?" Takang tanong ko habang pabalik sa kanya.



"Anak hindi ba nakakahiya?" Bulong na tanong ni tatay. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.



"Ano naman ang nakakahiya don? Tatay?" Takang tanong ko.



"Lalaki ako Anak." Matigas niyang sabi.



What's wrong naman dun?



"Tapos?" Dagdag ko.



"Lalaki ako. Tigasin ako. Tapos gusto mong pumunta akong salon? Nakakahiya." Sabi niya sa akin habag pinalakihan niya ao ng mata.



Kumunot ang noo ko at humaba ang nguso. Nagpapaawa ako kunyari. Tumingin ako sa mga mata niyag nakatingin sa akin. Mas pinakyut ko po ang aking itsura.



"Wag mo akong gagamitan ng mga ganyan. Di na yan e-effective sa akin." Seryoso niyang sabi. 



"Tay. First time ko namang gagawin to! Dapat nasa tabi kita! Ano yong sinabi mo dati? Na dapat nandito ka sa tabi ko sa lahat ng first time ko?"



Sumama ang timpla ng kanyang mukha. Napapikit ng mariin si tatay at bumuntong hininga bago buksan muli ang mga mata niya.



"Sige basta para sa iyo anak. Di na lang ako titingin sa paligid." Ngumiti ako at hinila na siya papuntang loob ng salon.



"Hi Sir and Ma'am." Bati ng lady sa counter ng pumasok kami.



"Magpapa hair and make up po sana. Yung pang college night lang." Sabi ko para di naman sila masobrahan sa kolorete.



Nakita kong tumango si ateng assist. Pinaupo nila ako sa uuan na may salamin sa harap. Nakita kong kinuha nila ang mga kailangang gamitin na materyales. At nilagay sa may basket na may gulong.



"Anak, aalis muna ako. Kakain ako, ikaw mamaya ka na kumain at magpaganda ka na lang. Ika nga nila 'Tiis ganda' dapat sa mga ganyan." Sabi ni tatay.



ALS1: Tears In Hidden ValleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon