Chapter 28.
Broken Promise.
Two days. Two days na ang nakalipas di ko pa rin nakikita si Ranz.
Miss ko na siya!
Di siya nagparamdam sa akin maski text wala galing sa kanya.
Papasok ako ngayon sa school. Bumaba na ako ngayon sa aking kwarto at ni-lock ang pinto.
Napatalon ako sa gulat ng may biglang bumusina sa tapat ng bahay namin. Gulat akong napatingin doon at nakita ko ang kilalang kilala kong kotse. Kotse ni Ranz.
"Ranz?!"
"Babe!" Sigaw niya bago bumaba sa kotse. Lumapit ito sa kin at hinalikan ako nito sa noo.
"Why are you here?" Takang tanong ko.
"Myghod, babe! It's been two days nung huli tayong nagkita. Parang two years na sa akin! I miss you. Payakap nga." Yakap niya sa akin.
Niyakap ko naman siya pabalik. Grabe! Miss na miss ko na siya. Yung amoy! Yung wramth niya. Lahat namiss ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mas mahigpit pa keysa sa kanina.
"Let's go na!" I nodded excitedly. He just smiled at me and pat my head. Sweet. So sweet.
Sumakay na kami sa kotse pero di niya pa rin ito pinapaandar kaya tumingin ako sa kanya na nakatingin lang siya sa harapan.
"Bakit na naman? What's wrong?" Nabobother na ako kay Ranz! Huling pagkikita namin ganyan din siya.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. Tatlong beses niyang ginawa iyon bago niya pinaandar ang kotse gamit ang isang kamay kasi nakahawak pa rin siya sa akin.
"Babe." Napatingin ako sa kanya ng tinawag niya ako. "Babawi ako. Babawi ako tomorrow." Sabay halik niya ulit sa kamay ko.
Nakarating kami ng school ng payapa. Bumaba na kami at hinatid niya ako papasok sa room ko.
"Dito na lang ako. Ingat ka." Sabay kiss ko sa kanya sa pisngi.
"Babawi ako bukas." Sabi niya kaya napatango na lang ako.
Sandali siyang tumingin sa loob ng classrom ko saka bumuntong hininga.
"Sige. Bye babe." Kumaway ako sa kanya hanggang mawala siya sa paningin ko.
Pagpasok ko sa room ay nahuli kong nakatingin sa akin si Cheeny. Isinawalang bahala ko ito at umupo sa tabi ni Vincent.
"Gurl!" Tumingin ako kay Vincent. "Yes." Taas kilay kong tanong. "It's official." Napakunot ang noo ko. "Ang alin?" Tanong ko sa kanya. Anong official sinasabi nito?
"Babae na ako. Official!" Damang dam na sabi niya kasi napahawak pa siya sa leeg niya.
Inirapan ko ito. Pabayaan ko na lang si Vincent. Gusto niya yan. Syempre bilang kaibigan suportado ko siya kaya go lang.
Nagsimula na ang klase. Syempre nakakainip na naman peto kailangan eh! For future. Sabog na sabog kami after class. Humikab ako dahil sa kaantukan ng matapos ang klase.
"Gurl. Uuwi na ako. May emergency na naman sa bahay." Tumango ako at kiniss niya ako sa pisngi. "Bye Vincent."
Di ko na binalak pang hintayin si Ranz dahil baka busy na naman siya.
"Ang aga ko palang umuwi ngayon." Sabi ko sa sarili ko.
Naisipan kong linisin ang bahay. Pagkatapos nang dalawang oras na paglilinis naisipan ko namang magluto ng hapunan and then i eat na. Tumingin ako sa orasan na mag aalas nuebe na pala. Naglinis ako ng katawa ko bago maghandang matulog.
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...