Chapter 26.
Mine.
"Let's go?" Tumango ako. Pupunta kasi kaming Tagaytay today. Saturday naman kasi.
Himikab pa ako bago pumasok sa kotse ni Ranz. Paano ba naman kasi? Alas tres ay nasa bahay na siya.
Nagising ako nang may narinig ako sa baba or more like sa kusina namin na kalampag. Kinuha ko ang walis sa may cabinet for pamalo kung sa
kali. Baka ninanakawan na pala ako.My things!! Gosh!!
Huminga ako ng malalim at dahan dahang binuksan ang pintuan at patingkayad akong pumuntang kusina para silipin.
Hinanda ko na ang walis na ipupukpok ko sa ulo ng bigla itong humarap. Naiwan sa ere ang kamay kong may walis.
"R-ranz?!"
Umawang ang labi nito ng makita niya kung anong hawak kong naka angat.
"B-babe. A-are you trying to hit me?" Windang niyang sabi.
Unti unti kong binaba ang walis na hawak ko saka umiling. "Kase naman. Akala ko you're a thief?" Di ko pa sure na sabi sa kanya.
"Well thank God at humarap ako. Kung hindi? Baka tulog na ako ngayon dahil sa hampas mo at di tayo matuloy sa Tagaytay."
"S-sorry." Ngiwi kong saad.
Bumuntong hininga ito bago umiling. "It's okay. At least kung may nakapasok nga sa bahay niyo, ready ka na lagi at—" pinasadahan niya ako ng tingin kasama ang tambo "—May pamukpok ka pa."
Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan habang umaandar ito. Binaba ko ang bintana para lasapin ang malamig na hangin.
"Gutom ka na ba?" Tanong ni Ranz sa akin.
"Medyo lang." Di kasi kami nag almusal kanina bago umalis kasi hinahabol namin ang lamig sa madaling araw na may kasama pang usok sa lamig.
"Sige sige. May pansitan doon sa baba ng Palace on the Sky. Doon na lang tayo kumain." Tumango ako bilang sang ayon.
Nagpark kami sa paradahan ng Palace on the Sky. Bumaba ako at unang sumalubong sa akin ang lamig ng hangin. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan sa sobrang lamig.
"Kain na rayo sa pancitan, babe. Sarado pa naman ang palace." Sabagay Six o'clock kasi bukas ang Palace on the Sky. Tutal mag fi-five thirty pa lang naman.
Pumasok kami doon at umorder ng dalawang pinggan na pansit at isang kape para kay Ranz tapos mainit na tsokolate naman ang para sa akin.
Natapos kaming kumain minus singko bago mag ala sais. Bumili na kami nang ticket ni Ranz bago makapasok. Pumila na kami sa gate at doon naghintay. Wala pang limang minuto ay nagbukas na ang Palace at doon namin binigay ang ticket bago magpatatak sa wrist.
"Omg. Ang lamig." Sabi ko habang tinataas baba ang kamay ko sa braso. Nakajacket naman ako pero ang lamig talaga.
Naramdaman kong niyakap ako ni Ranz. Inangat ko ang aking mukha para makita siya.
"Bakit ba kasi ang nipis ng jacket mo?" Sabi niya bago ako halikan sa noo.
Ngumuso ako. "Ito na kasi ang nag kasya sa akin." Lahat kasi ng jacket ko maliit na. Kung hindi naman maliit may butas na.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinubad ang jacket. Kitang kita ko ngayon ang braso niya na nag fle-flex. Napalunok po ako.
"Ito suotin mo babe." Sabay suot sa akin ng Jacket niya.
BINABASA MO ANG
ALS1: Tears In Hidden Valley
Teen FictionALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Katherine, the woman who can make his heart beating abnormally. And then a tragedy happen, could they make...