Enticed by Miranda Jadeite
Chapter 21
Nagkakagulo sa police station dahil sa nangyari. Sumugod pa ang manager ng café at nanghihingi ng bayad para sa mga nasira.
It's been proved, that they're guilty. Nakita sa mga cellphone nila ang litrato at hindi lang ang sa amin ni Yra, marami pang iba. Hindi ko alam kung saan dinala ang ibang kaibigan ni Rio pero napansin kong siya na lang ata ang natira roon, kasama ang nanay niya.
"I won't pay for the damages! Nakita mo ang ginawa ng mga 'yan sa anak ko!" Masungit niyang sabi sa isang pulis. Umirap ako sa hangin at nadako ang tingin sa mga sumugod kina Rio.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tumabi. I already knew his parents won't come. His mother is abroad and his father... they're not in good terms "A-are you okay?"
Umangat ang tingin niya sa akin at tumango. "You? Are you alright?"
Mabilis akong tumango na kinangiti niya. "I'm glad to know that."
"W-why did you hit him? H-hindi mo dapat ginawa 'yon, nadamay ka pa tuloy, nasaktan pa." I stared at the cut on his lower lip. I bet that hurts.
"It feels good to punch his face over and over again. Kulang pa 'yon kumpara sa mga ginawa niya sa 'yo." Huminga siya ng malalim at tinitigan ako. "Why are you still here, anyway? Wala ka naman dapat dito."
"W-wala akong sundo..." maikli kong sabi at nag-iwas ng tingin. Now this is awkward. Bakit ba kasi naupo pa ako sa tabi niya? Halos limang minuto kaming tahimik, pinanonood ko lang ang mga kaibigan na abala sa pagtawag ng kung sino-sino.
Napatayo ako nang makitang pumasok si Tito Brad. Sa akin siya dumiretso imbis na kay Yra.
"This is your first day on Yra's school and this is what happened." Nangatog ang tuhod ko dahil sa tono niya. "This is why I don't want Yra to go to the same school as you, the reason why I don't want Yra to bond with you. You're a bad influence. Tingnan mo ang nangyari."
"Daddy, hindi naman kasalanan ni Mira-" Yra rushed to her father but immediately cut off by him.
"Your mother's waiting inside the car, Maria. Pumunta ka na roon bago pa 'ko magalit sa 'yo ng tuluyan."
Yra looked so hesitant so I just nodded at her. She should follow her father's word.
"You're just like your mother, Miranda. Lagi ka na lang nagdadala ng problema sa pamilya." Kahit anong pigil ko sa pagpatak ng luha ko ay hindi ko nagawa. How can I forgot that this man hated me the most.
"Daddy, ano ba?! If you're angry don't throw it on Miranda! Wala naman siyang ginagawang masama!" Yra tried to stop her father, I don't want Tito to get angry with her either. Ako ang nag-aya kay Yra na pumunta sa café na 'yon, kung hindi dahil sa akin, wala si Yra ngayon dito.
"Laging ang tatay mo ang sumasalo ng mga problemang bitbit mo, pati ang mga kapatid at pinsan mo nadadamay dahil sa kagagawan. Stop dragging this family down, Miranda. You're such a disgrace!"
Naramdaman kong hinawakan ni Callant ang aking siko. "Sorry for butting in but what you're doing is not right, Sir. Hindi niyo po alam ang totoong nangyari."
"This is a family matter and a stranger's opinion is unwanted. Siguro alam mo kung gaano kaimportante ang gabing 'to para sa amin, kaya inaya mo si Yra na sumama sa 'yo, at tingnan mo ang nangyari!" Saglit lang siyang bumaling kay Callant pagkatapos ay sa akin na ulit. Yumuko ako dahil hindi na kaya ang hiyang nararamdaman. Ang daming nanonood sa nangyayari. "The family is better without someone like you around."
"Kuya! Anong sinasabi mo kay Miranda?" Narinig ko ang palapit na boses ni Tita Jade. My saviour's here now...
"Huwag mong kunsintihin, Jade. Kaya lumalaki ang ulo."
YOU ARE READING
Enticed by Miranda Jadeite
RomanceMiranda Jadeite Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the second installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.