Enticed by Miranda Jadeite
Chapter 25
Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o ano. Sa makalipas na mga buwan ay lagi kong nakakasalamuha si Callant. Sa tuwing iniimbita kami ng pamilya nila, sa ilang beses kong pakikipagkita kina Jenna at Alex, minsan kapag namimili kami ni Axel, at kadalasan, sa labas ng building ni Tita, malapit lang sa dating pinagtatrabahuhan niyang pasta house na kailan ko lang nalaman na siya pala ang may-ari.
I crossed my arms as I watched him man the cashier. Sa harap ko ay ang kambal at sa tabi ay si Jenna. Wala namang ibang mag-aaya rito kung hindi si Jenna. Walang alam ang kambal tungkol sa inaasar sa akin ng kanilang pinsan.
"Kung makatitig, baka matunaw." Siniko ako ng katabi at humalakhak. "Should I call him for you?"
Hindi ko siya pinansin dahil nasanay na sa kakagano'n niya sa akin. Nagpapadala na lang ako sa gusto niya at ang kambal kahit na walang kaalam-alam, sunod lang sa agos.
"Hey, Callant!" Sigaw ni Jenna at kumaway pa.
Nanlaki ang mata ko at nakurot ang kanyang tagiliran dahil hindi ko inaasahang gagawin niya talaga! Oh, my gosh! Parang gusto ko na lang magpalamon sa sahig nang bumaling siya sa isang staff at may sinabi saka lumabas ng counter para lumapit sa amin.
"Do you still remember us? It's me, Jenna, Miranda's friend. We'd like to order."
"Jenna, I don't think he's the person in charge-" naputol ang sasabihin ni Axel nang magsalita si Callant.
"Of course, I remember you." Sagot niya kay Jenna pero sa akin nakatingin. "What would you like to order?"
Naiilang akong nag-iwas ng tingin sa kanya at bumaling sa kambal.
"This is Jenna's treat. Hmm... kakainin ko 'yong pinakamahal." Sambit ni Alex habang tumitingin sa menu.
"Anong order mo, Mira? Naghihintay si Callant, oh." Sabi pa ni Jenna. I pressed my lips together and pinched her thigh under the table. Hinawi niya ang kamay ko at tinampal. Pinanlakihan niya ako ng mata at ngumiti nang bumaling kay Callant. Hindi ko magawang tumingin sa kumukuha ng order namin dahil sa hiya.
"I'll just have whatever Axel will choose." Huminga ako ng malalim pagkatapos magsalita at umayos ng upo.
"She said she'll have whatever her bf will choose." Hindi ko na pinansin si Jenna at ang mga sinasabi niya dahil ako ang nahihiya!
Baka isipin ni Callant na nagpapansin ako sa kanya! Of course, I don't want him to think like that!
"Jenna, stop it already." Pagbabawal ni Axel sa pinsan nang umalis na si Callant. Umiling ako para sabihing ayos lang. "Mira's uncomfortable."
"Nahihiya lang 'to kasi nakita ulit 'yong crush niya."
"Crush? 'Yong lalaki kanina? In all fairness, guwapo." I'm glad Alex didn't made it a big deal.
"Crush mo 'yon? 'Di ba, Callant pangalan ng dati mong manli-" tinakpan ko agad ang bibig ni Axel para pigilan ang amba niyang sasabihin. The fuck?! Sinong mag-aakala na maaalala niya 'yon?!
"Axel!" Pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyas ang mga posibleng nakikinig sa amin. Baka mamaya may kaibigan pala rito si Sharlot o may nakakakilala sa akin at makarating pa sa iba. Ayaw kong maungkat ang tungkol doon.
Habang naghihintay kami sa pagkain ay nagkukuwentuhan ang tatlo. Naubos ang enerhiya ko dahil sa nangyari kanina kaya wala akong lakas para makisali sa usapan nila. Nag-aalala ako sa iisipin ni Callant tungkol sa akin.
Ibang staff ang naghatid ng aming pagkain. Kung ako man siya, hindi na rin ako babalik sa lamesang 'to! Laking pasalamat ko nang wala ng nagbalik noong usapan tungkol kay Callant hanggang sa matapos kaming kumain.
YOU ARE READING
Enticed by Miranda Jadeite
RomanceMiranda Jadeite Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the second installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.