Enticed by Miranda Jadeite
Chapter 3
"Walang nagbabalik ng bag dito, eh. At ang huling estudyanteng nagpunta rito bago ikaw ay noong nakaraang linggo pa. Wallet lang 'yon. Tingnan mo kung sa 'yo ba 'to." Tumalikod siya sa akin at kinuha ang wallet na sinasabi para ipakita sa akin. Umiling ako nang makita ang itim na kulay nito. Mine's mustard and it's bigger than that.
"Sige po, salamat ulit." I sighed. Wala na talaga.
I lost my mother's gift, I was so reckless. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana kinausap pa si Rio. Damn him! Kasalanan niya lahat ng 'to! Agrabyadong-agrabyado ako dahil sa kagagawan niya.
I wonder what my sisters will say or will think of me if ever they heard the rumor about me and Rio. Sana hindi sila maniwala at kung makarating man sa kanila, h'wag na sanang sabihin pa kay Daddy.
Dumiretso na ako sa canteen pagkagaling ko sa lost and found. Bumili ako ng pagkain kahit wala talaga akong ganang kumain. Umupo ako sa pinakadulong lamesa para walang makapansin sa akin.
I know it's bad to waste money and food but I really have no appetite. Nakailang subo lang ako ng kanin at pagkatapos nilaro-laro ko na lang ang natirang pagkain. If ever someone from my family saw what I'm doing, I'm dead meat. Ang tanging naubos ko ay ang juice.
Tumayo agad ako pagkalipas ng limang minuto, kailangan ko pang magpaalam sa aming coach na hindi ako pupunta sa practice mamaya. Nang malapit na ako sa pinaglalagian nila ng ibang mga P. E. Teachers ay saglit kong sinilip ang mga tuhod ko. I slightly lifted up my skirt, just enough for me to see my knees.
"Does that still hurt?" Napaatras ako nang biglang may nagsalita sa harapan ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko napansin ang plant box sa aking likod. Napaupo ako roon at bahagyang napatili dahil sa pagkakagulat.
"Ouch," I murmured.
"Ayos ka lang?" Dumalo sa akin ang lalaki at nilahad ang kanyang kamay. Hindi ko 'yon tinggap at tumayo ng mag-isa. Pinagpagan ko ang puwitan habang tinitingnan kung nasira ko ba ang mga halaman na nakatanim sa plant box. Laking pasalamat ko na hindi naman gano'n kalala ang inabot nito.
Nilingon ko ang lalaki at handa na sanang sungitan pero napatigil nang magkasalubong ang aming mga mata. His eyes are green, I was in awe while staring at him. Nakikita ko naman siya sa malayo pero hindi ko alam na ganito pala talaga kaganda ang mga mata niya.
My face heated when he tilted his head and stared back at me. Nakataas ang dalawang kilay na tila ba naghihintay ng sagot sa akin.
"H-huh?" I managed to utter. What was that, self? Huh? Really? Tinatanong niya kanina kung ayos lang ba ako. "Uh, yes. Yes, I'm fine."
Tumango ako sa kanya ng sunod-sunod na ikinakunot ng noo niya. He's so handsome! Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang paraanin niya ang kanyang dila sa ibabang labi.
I know I need to save my face right now. "Una na 'ko." I hurried to my coach's office without looking back at him.
"Good afternoon, Coach." I started. "I have wounds on my knees." Pinakita ko sa kanya ang tuhod na natatakpan ng bandage.
"Oh?" Nagulat niyang tanong. Tumayo siya mula sa kanyang inuupuan at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking magkabilang siko, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Ano? Kailan pa? Hindi ka puwedeng magpractice mamaya at sa mga susunod pang araw."
I nodded. "That's why I came here, Coach. Magpapaalam po sana ako sa inyo."
"Dapat itinawag mo na lang sa akin, baka lumala pa 'yan. You should rest and get your knees healed." Tumalikod siya sa akin at may hinalungkat sa drawer ng kanyang desk. "Make sure you will put ointment on that. Here, get this."
YOU ARE READING
Enticed by Miranda Jadeite
RomanceMiranda Jadeite Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the second installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.