Enticed by Miranda Jadeite
Chapter 27
"Anong position mo sa team niyo? Wait, you still play soccer, right?" Tanong ko habang hinahalo ang smoothie gamit ang straw. Katatapos lang namin manood ng movie at nag-iikot na naman kami.
"Yeah, midfielder."
Midfielder... hindi ko matandaan kung anong ginagawa noon pero alam kong sa gitna siya ng field nakapuwesto. Well, it's obvious!
"How about sa college? Maglalaro ka pa rin?" I asked before I sipped on my smoothie.
"I'm not sure. Pero baka hindi na. I have important things to prioritize."
Sayang... hindi ko na ulit siya mapapanood maglaro.
"Ikaw? Homeschooled ka pa rin next year?" I just shrugged at his question. Sa totoo lang, wala pa akong plano. Hindi ko alam kung papayag na ba si Daddy kung gustuhin ko man.
"Ano namang important things ang kailangan mong iprioritize? Kaya mo naman pagsabay-sabayin, bakit ka pa titigil maglaro? Sawa ka na ba?"
"Hindi naman ako magsasawang maglaro. I just want to prioritize my studies, the restaurant, and my future relationship. I'll prioritize you from now on." I felt something rumbled inside my stomach. Kumunot ang noo ko at nagpanggap na hindi naintindihan ang sinabi niya.
"Ako?" Tinuro ko pa ang sarili sa kanya, tumango siya. Ngumuso ako para pigilan ang ngiti. "Bakit kasali ako?"
"Kasi mahalaga ka sa akin." Tinago ko ang totoong naramdaman sa pagtawa. Siniko ko siya at tinuro.
"Mahalaga mo mukha mo. Hindi na ako nadadala sa ganyan, 'no?" Tumawa ulit ako at tinakpan pa ang bibig para mas kapani-paniwala ang pag-arte. Kung makita ako ni Ate Atascka siguradong pasok na ako sa club niya.
"Why are you laughing? I'm dead serious." Pati ang lalaking 'to! Ang galing umarte! Kung tatanga-tanga ako malamang kanina pa ako nahulog at nalusaw sa mga sinasabi niya.
"Natatawa lang, bakit? Bawal ba?" Tinuon ko ang atensiyon sa iniinom para maiwasan ang tingin niya.
"You don't believe me." It wasn't even a question. Tunog sigurado siyang hindi talaga ako naniniwala.
"Siguro?" Tinaasan ko siya ng kilay at binilisan ang paglakad nang makitang may nabakanteng upuan sa food court. Mabilis naman siyang nakasunod at tumabi sa akin kahit na mas maluwang naman sa tapat ko. Nilapag niya ang binili naming sapatos sa lamesa.
Kumportable akong sumandal at humalukipkip sa tabi niya. He's not that intimidating, sa simula lang talaga gano'n.
"What's your curfew?" Biglang tanong niya at lumapit sa akin. Nagtama ang aming braso kaya bumaba doon ang tingin ko.
"Wala naman..." medyo kinakabahang sagot ko. Hindi ako nagpaalam kay Daddy, tinakasan ko pa ang bodyguard ko. Napakagat ako sa ibabang labi nang maalalang, nasa bahay si Kuya at maaaring hinintay na umuwi ako para mapagalitan. Uuwi na ba ako? But I like it here! And it's just past four!
Sa huli napagdesisyonan kong magtagal muna dahil naeengganyo ako sa pakikipagkuwentuhan kay Callant. Bumili pa nga siya ng fries na nilalantakan ko ngayon. Hindi naman ako ganito katakaw pero lahat ng binibili niya para sa akin, inuubos ko.
"Next time, ako naman ang magbabayad."
"So, there's next time, huh?" Nangingiti niyang tanong, nahimigan ko ang galak sa tono niya at ang kislap sa mga mata niya ay kakaiba.
"Don't worry. 'Yong next time, last na 'yon." Pagbawi ko para naman hindi siya gano'n kasaya. It's just a date!
"Next time will be your treat and the following will all be mine." Dalang-dala naman ang isang 'to!
YOU ARE READING
Enticed by Miranda Jadeite
RomanceMiranda Jadeite Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the second installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.