Chapter 43

111 6 0
                                    

Enticed by Miranda Jadeite

Chapter 43

"Chug! Chug! Chug!" Jenna cheered for Yra.

Kanina binabawal pa kami nito ngayon siya na ang nagtutulak sa amin na uminom. She's really drunk... with just red wine and champagne.

"Jenna, 'yong P.A. mo nasa labas na raw." Kababa lang ni Axel ng tawag mula sa assistant ni Jenna at inaaya niya na ang kanyang pinsan.

Kinuha ko rin ang cellphone ni Yra para tawagan si Mikael. Parang kanina pa siya naghihintay sa tawag ni Yra dahil agad nasagot ang tawag.

"You told me you'll be home before ten. It's past twelve now, Yra." Masungit na bungad niya. Ngumiwi ako at nangapa ng sasabihin.

"T-this is Yra's cousin, Miranda. I just want to ask if you'll be able to pick her up? Medyo nasobrahan kasi ng inom. She's... she's a bit drunk b-but not totally!" Tiningnan ko ang kaibigan ko na patuloy sa pag-inom. Natatawa na si Axel sa kanilang dalawa.

"I'll pick her up." Sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan tapos ay pinutol na ang tawag.

"He hung up on me." Napatulala ako sa cellphone ni Yra. Tinawanan ako ni Jenna at inabutan ng wine glass na kalahati ang laman. Nilahat na ata ang laman ng boteng pinakuha niya kanina sa waiter. Tinanggap ko iyon at agarang ininom.

"Sayang wala si Alex. She should be watching this now." Axel said and got his phone out. He started recording the current situation. Humilig ako sa kanya para makaiwas sa camera, baka pagtawanan ako ni Alex kapag napanood niya 'yon.

"Luh? Ano ba 'yan? Baka kumalat 'yan, Axel." Tinakpan pa ni Jenna ang kanyang mukha. Nahiya pa siya sa camera pero sa posibleng nanonood sa kanya sa loob ng hall hindi niya iniisip.

Limang minuto pa ang tumagal ay tumawag si Mikael sa akin. Sinabi niyang naghihintay na siya sa labas kaya inakay ko na ang pinsan para dalhin doon habang si Jenna ay nakaakbay kay Axel. Hindi naman sila lasing na lasing, normal na na maingay sila, nahihilo lang siguro kaya kailangan ng aalalay.

I didn't made any eye contact to anyone while we're going outside but I can feel almost everyone... looking at us.

"Next time don't invite Yra if you can't handle her." Salubong sa akin ni Mikael at pinagbuksan ng pinto ang aking pinsan. Hinayaan ko munang makasakay si Yra bago ko siya sinagot.

"I can handle her alone but since your the husband, I called you... thinking you were worried of my cousin." Kinakabahang sabi ko sa kanya. I waved at Yra when she looked at me. "Good night, Yra."

Hindi na nag-abalang magpaalam si Mikael, pinaandar niya ang kanyang sasakyan nang walang pasabi. I'm used to it, he's never been good on socializing. He's easily irritated and always hot-headed.

"Rude." I commented and turned to Axel and Jenna.

May kausap si Axel sa kanyang cellphone, siguro ay ang susundo kay Jenna. Halos isang minuto lang ay nakaalis na si Jenna at naiwan kaming dalawa ni Axel, hindi naman nawala ang mga nakikiusyoso.

"Uuwi ka ba? Pwede kitang ihatid sa condo mo kung gusto mo."

"Uuwi ako pero may aasikasuhin pa kasi kami nina Gella kaya matatagalan pa. But we already booked rooms just in case."

Pareho naming pinanood ang abalang mga valet dahil sunod-sunod nang lumabas ang mga guest. Kung dati, hinahatid ko pa ang ilan sa kanila hanggang sa labasan, ngayon, tanging ngiti at maikling pagbati lang ang ginawad ko sa mga lumapit sa akin.

"I'm really happy for my purchase. I was wondering if you can ship it a bit earlier. Para sana maisabay na ng anak ko sa pag-uwi niya sa Norway. Pero kung hindi, ayos lang naman, ipapaship ko na lang." The old woman laughed.

Enticed by Miranda JadeiteWhere stories live. Discover now