Chapter 9

133 8 0
                                    

Enticed by Miranda Jadeite

Chapter 9

"Let's play a game!" Aya ni Jenna habang kumakain ng cheeseballs. She's hugging the huge plastic bag. May binanggit siyang laro na hindi pamilyar sa akin.

"Paano laruin 'yon?" Tanong ng kaklase naming si Ivy.

Mahigit sampo na lang kaming natira sa kuwarto ni Jenna dahil nagsiuwi na ang ibang bisita. Akala ko ay lahat ng iyon ay matutulog sa bahay nina Jenna, pili lang pala kaming inimbitahan niyang matulog. She said it's still a pajama party even though her other friends went home.

"Dito tayo maupo, paikot." Nauna siyang sumalampak sa sahig, papel at ballpen na ang hawak niya ngayon.

Nilingon ko si Callant na prenteng-prenteng nakaupo sa aking tabi. Tanging kaming dalawa lang ang nasa kama dahil may kanya-kanyang ginagawa ang karamihan.

Ang mga kaklase kong babae ay kanina pa nakaupo malapit sa bintana at nagkukwentuhan ng mga nakakatakot na karanasan nila. May mga nagkakantahan na pinangungunahan ni Marky sa pamamagitan ng pagtugtog ng gitara. Mayroon ding kumakain lang... at kami ni Callant na tahimik lang na magkatabi.

"Sali ka, Mira." Inaya ako ni Marky, pumayag ako dahil halos lahat sila nakaupo na. Ngayon lang ako makikihalubilo dahil kanina pa kami nakakulong ni Callant sa kuwarto ng pusa ni Jenna. Kung hindi pa kami pinuntahan ng kaibigan ko ay hindi namin mamamalayan na hindi man lang kami kumain kasabay ng iba pang bisita.

I can tell how hesitant my classmates were when they asked Callant to join. He's older than us. Mukha rin kasing masungit si Callant dahil sa singkit nitong mga mata at madalang pang ngumiti. I'm still wondering what's his foreign blood, his features were softer than mine, his skin can be compared to a white paper. Sobrang puti niya pero hindi naman maputla, sa katunayan, mapula nga ang kanyang labi. And his surname is Hughes, doesn't sound like Filipino.

Naalala ko bigla ang nangyari sa kinakainan namin ng doughnut. Kahit matagal na 'yon, hindi pa rin mawala sa isip ko. Kumunot ang noo ko nang umangat ang gilid ng kanyang labi.

"Hindi ka ba sasali?" Tanong niya habang ang mga mata ko ay nakatuon sa kanyang labi.

"Huh?" Hindi ko nasundan ang kanyang sinabi. He chuckled and pulled my hand. Dahil sa kanyang pagtayo ay napatayo na rin ako.

Saka ko lamang napagtanto ang katangahang ginawa ko. I was staring at his lips while they're waiting for me. Nakakahiyang nasaksihan nila 'yon.

Mabuti na lamang ay pumalakpak si Jenna para agawin ang atensiyon mula sa aming dalawa ng katabi ko.

"Madali lang naman, 'di ba? Para lang siyang truth or dare kaso ay dalawa ang puwede mong utusan dito. Kung hindi niyo susundin ang utos ng king ay isa sa inyo ang iinom nito. Take note, isang beses lang dapat iinom nito." Tinaas niya ang bote ng isang liquor. "Pero! 'Yong mangyayari rito ay pang ngayong gabi lang, hindi puwedeng ikuwento kahit kanino at hindi puwedeng malaman ng ibang tao bukod sa atin na nandito ngayon."

We nodded. Ayaw ko talaga ng ganitong mga laro. They will put too much pressure on you so you won't have a chance to say no. Kahit naman umayaw ay may gagawin pa rin. I don't feel good at all. Natatakot ako sa maaaring mangyari kung may malasing dahil sa alak na 'yon. Saglit kong nilingon si Callant habang nagsusulat ng numbers sina Jenna sa papel. He won't let something bad happen to me, right?

"Who's the king?" Tanong ni Jenna. I opened the paper Callant got for me. Number seven it says. Pinasilip sa akin ni Callant ang hawak niya, thirteen.

"Ako!" Tinaas ni Ivy ang kamay niya. "Pipili lang ako ng dalawang number at mag-uutos, 'di ba? Three tug seven's ear."

I raised my hand. "I'm seven."

Enticed by Miranda JadeiteWhere stories live. Discover now