Chapter 26

108 5 0
                                    

Enticed by Miranda Jadeite

Chapter 26

"You know, I've been longing to ask you for a dance." Seryoso niyang sabi sa akin habang nilalagay ang aking mga kamay sa kanyang malapad na balikat. Hindi ko maiwasang puriin ang itsura niya ngayong kaharap ko na siya. Lalo siyang pumuti ngayong nakaitim siya at katabi ako na may pagkamorena. At ang bango-bango rin niya.

"Bawal daw ba sabi ng girlfriend mo?" Nanunuya kong tanong sa kanya. Nawala ang nakakalokong ngiti sa aking labi nang nilagay niya ang kamay sa aking baywang at hinapit ako palapit. Dumikit ang dibdib ko sa kanya, at hindi ko alam kung anong gagawin. I'm just using nipple tape! Paano kung maramdaman niya 'yon?!

"I know that you already know... we're no longer together." He casually said and started swaying in a very slow pace.

"Tapos gagamitin mo naman ako para makalimutan mo siya?" Matapang kong sinalubong ang mga mata niya, naalala ang usapan namin ng mga kaibigan ko tungkol doon. Humalakhak siya at umuling.

Mas lumapit pa siya sa akin at dinikit ang kanyang bibig sa aking tainga. "I will never use you. Kung may hindi man ako makalimutan, ikaw 'yon. Ikaw ang hindi ko makalimutan. Our dates, small talks, hugs, and kisses. Laging nasa isip ko ang mga ginawa natin at lagi kitang iniisip kaya hindi kita makalimutan."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at yumuko para mabawasan ang hiyang nararamdaman. "I don't believe you."

"Date me again and I'll make you believe me. Date me again." Agad na umangat ang tingin ko sa kanya. Hindi ako makapaniwalang gano'n lang niya kadaling nasabi iyon. Pagkatapos ng lahat ng pangyayari... gano'n lang kadali para sa kanya.

Mabilis akong nakabawi at sinimangutan siya. "Ayoko nga, gagamitin mo lang ako, eh."

"Date me and I'll prove you wrong."

"Ayaw ko nga."

"If you're worried about Sharlot, I swear I didn't like her, I never do. She's a daughter of my father's friend, she likes me and when my father learned about it, he set us up. Inutusan niya akong lumabas kasama si Sharlot. I agreed... thinking you'll get jealous or what but you didn't. It didn't work."

Kung alam lang niya kung gaano ako nagselos noon! Tumawa ako sa isip, mabuti na lang talaga.

"Sinabi ko na sa 'yo, gusto pa rin kita."

Ilang beses na akong namamangha sa mga sinisiwalat niya pero hindi ko alam kung dapat ko ba iyong paniwalaan.

"Still! Naging girlfriend mo siya. Kailan lang kayo naghiwalay tapos inaaya mo na agad ako? Don't you know anything about the three-month rule?" Mabilis na sabi ko, binalewala ang huling mga katagang sinabi niya.

"It's already four months..." nangingiti niyang bulong sa akin. "Liligawan kita."

"Ayoko nga sabi." Medyo nag-aalala rin talaga ako para sa sarili dahil sa sinabi ni Axel noon. Mas mabuti nang nag-iingat kaysa hindi. Baka mamaya magulat na lang ako niloloko na pala niya ako o ginagamit gaya ng napag-usapan...

"Pero gusto ko." Giit niya at tuluyan nang ngumiti. Inirapan ko na lang siya na siyang ikinatawa niya. Ilang minuto kaming nagsayaw, at sa loob ng maikling panahon na iyon ay puro pangungulit ang ginawa niya.

"I saw you dancing with Sheena's nephew, Mira. Close talaga kayo no'n?" Pang-uusisa sa akin ni Tita Jade, nasa sasakyan na kami nang magtanong siya. Kaya naman pala baling nang baling sa akin noong bumalik kami sa lamesa, may gusto pa lang itanong.

"He's a friend of mine, Tita. I met him at my former school." At least... I didn't lie.

"Akala ko naging close lang kayo dahil sa parties. Nako! Huwag naman sanang mag-isip ng ibang bagay si Sheena gayong magkaibigan lang naman pala kayo ng pamangkin niya." May kakaiba akong naramdaman sa sinabi ni Tita kahit na iyon naman ang katotohanan. We're just friends... or at least that's what I think we were.

Enticed by Miranda JadeiteWhere stories live. Discover now