Enticed by Miranda Jadeite
Chapter 40
His eyebrows were furrowed and his piercing eyes looked at me. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagpanggap na wala siya sa harapan ko. Hinihintay siyang sumakay ng mga empleyado kaya ayaw pang pindutin ang close button.
I pursed my lips and pressed the button for the ninth floor. Gaya ng mga empleyado ay hinintay ko rin siya. It took him almost a minute before he got in. Halos lahat ata kami ay nagulat nang pumailanglang sa katahimikan ang tunog ng aking cellphone. Mabilis kong kinuha sa bag ang nag-iingay na cellphone at nang makitang si Caspian iyon ay agad kong sinagot."
"I'll be running late for a while. You can head to my office, I already asked my assistant to look after you." Mabilis niyang sabi at hinintay lang ang mabagal kong pagsagot bago tinapos ang tawag.
Bawat palapag ata ay may lumalabas at pumapasok sa lift kaya medyo natagalan pa. Nakahinga ako ng maluwag nang marating na ang pupuntahan ko. Walang lingon-lingon akong lumabas at pumunta sa dulo ng mahabang hallway. Caspian's assistant greeted us. Yes. Us. Dahil kung napakamalas ko ngayong araw hindi na ako magtataka kung mababangga ako ng sasakyan pauwi, si Caspian din ata ang sadya nito.
"Sir Silvestre said he'll be late Miss Miranda. He asked me to assist you for the mean time." Binuksan niya ang pinto para sa akin at saka hinarap si Callant na sumunod pala sa amin. "Mr. Garcellano, I already called you. Your meeting with Sir Silvestre is cancelled."
"It's so sudden, I already flew here from Cebu." Nauna pa siyang naupo sa akin.
Cebu...? He just got here from Cebu? Mabuti na lang ay hindi natuloy ang photoshoot ko doon. Nanghinayang pa ako ng una nang malamang iniba nila ang location at napunta kami sa Ilocos.
Nilahad ng assistant sa akin ang couch at walang pag-aalinlangan akong naupo. Nag-usap silang dalawa at inabala ko ang sarili ko sa aking cellphone. I answered some important message and e-mails. Madalang naman ang dumidirekta sa akin dahil lahat 'yon ay dapat kina Gella at Yannie.
Tumaas ang kilay ko nang mabasa ang isang imbitasyon para sa fashion week sa Paris. I'm not invited as a model but as a guest. This is the first time because usually I go there to model. I'll definitely prepare for this one.
"Would you like me to get you something to drink or eat, Miss Miranda?"
"I'm fine." Umiiling na sabi ko habang nagtitipa sa cellphone.
To: Gella
I got invited to fashion week in Paris!I sent it with a proud smile.
From: Gella
I thought you're in a meeting?From: Gella
Normal naman na nakakapunta ka doon?From: Gella
What? Wait...Sunod-sunod ang pagpasok ng texts niya.
To: Gella
I got invited to watch the show...Ngumuso ako nang rumehistro sa screen ang pangalan ni Gella. She's calling, probably excited for me too.
"Oh, my god! Sasama mo ako ulit, ah?!" Napangiti ako sa bungad niya.
"Of course, I'll bring you with me." May idadagdag pa sana ako kaso ay biglang pumasok si Caspian. "I'll hang up now. Bye bye, see you later."
"Yeah, see you!"
Nilapag ko ang cellphone sa center table at tumayo.
"Did you wait too long?" Nakangiti niyang salubong sa akin pero mas lumapad ang ngiti niya nang bumaling siya sa kanyang kaibigan.
YOU ARE READING
Enticed by Miranda Jadeite
RomanceMiranda Jadeite Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the second installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.