Enticed by Miranda Jadeite
Chapter 1
"Come on, Miranda. It's just for fun. Don't you want to play with me?" I gritted my teeth as soon as I heard that annoying voice.
"I don't have time for this, Tristan. Humanap ka ng ibang babaeng makikipaglaro o magpapalaro sa 'yo." Inayos ko ang pagkakasukbit ng aking gym bag sa balikat at naglakad na palayo sa quadrangle. Naririnig ko ang mabibigat na yabag mula sa kanya, sinusundan pa rin talaga ako. Kaninang palabas na ako ng school ay hinarang niya ako at pinilit akong pumunta sa likod ng isang malaking puno para hindi matanaw ng mga daraan. Tinakbuhan ako ng mga kasama ko at iniwan kay Tristan.
"Mira, I didn't know why you're acting like this. Ang sabi ni Rio hindi ka naman ganito umakto kapag kasama mo siya. You always initiate your kiss, right?" Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Tumaas ang gilid ng kanyang labi nang makuha niya ang atensiyon ko.
"What did you say?" Kumuyom ang kamao ko habang nagtitimpi ng galit.
"Sinabi ng boyfriend mo na ikaw raw ang laging nag-aaya ng halikan, uhaw na uhaw ka nga raw lagi, eh." Malalaki ang ginawa kong paghakbang palapit sa kanya.
"Nasaan si Rio?" Nanggigigil kong tanong. I know Rio does bad stuffs around our school after class. Ilang beses na siyang naisumbong sa nakatataas kaso ay hindi nila mapaalis ng school dahil mayaman ang mga magulang nito.
"N-nasa likod ata ng main building." Nagulat niyang sagot sa akin. I don't know what's gotten in me. Bigla akong tumakbo sa direksiyon ng main building.
Nanlilisik ang mga mata ko nang dumapo ito kay Rio. Nakaupo siya sa isang sementong lamesa at nakapaikot ang mga kaibigan niya sa kanya, bidang-bida siya habang pinapakita ang relong suot-suot. Malapit nang lumubog ang araw at naririnig na sa kapaligiran ang huni ng iba't-ibang uri ng mga insekto.
"Hi, Mira!" Nakangiti pa niyang salubong sa akin. Nawala ang ngiti niya nang makita ang ekspresyon ko. Kinuwelyuhan ko agad siya at hinila patayo. Wala akong pake kahit mas matanda siya sa akin. "Tangina, bitiwan mo nga ako!"
"Anong kinakalat mo tungkol sa akin? Ako? Hahalikan ang kagaya mo? Mandiri ka nga sa sarili mo!" Marahas niyang tinanggal ang mga kamay kong nakahawak sa damit niya.
"Ano ngayon kung pinagkakalat ko nga? Hindi ba 'yon naman ang gusto mo? Ang pag-usapan ka ng lahat, hindi ka lang uhaw sa halik pati sa atensiyon." Nanggilid ang luha ko dahil sa sinabi niya. "Ano? Wala kang masabi kasi wala na rin 'yong Kuya mong mayabang."
Malisyoso siyang ngumiti sa akin at hinila ako sa baywang palapit sa kanya. "Papansin ka rin, si Tristan na ang nag-aya sa 'yo, tinanggihan mo pa."
"Don't touch me! Bitawan mo 'ko!" Hinampas ko ang mukha at dibdib niya pero hindi siya nagpaawat.
"Tangina mo, Rio. Kapag nagsumbong 'yan, labas kami r'yan."
"Saan naman 'to magsusumbong? Wala naman 'tong nanay."
"Shut up!" Sigaw ko. The last thing I want to hear is that thing. Ayokong sinasabing wala akong nanay dahil mayroon!
"Pumapalag, Rio."
"Kuhanan niyo ng video, hahalikan ko na, uhaw na uhaw na, eh."
"Hoy, mga gago kayo, itigil niyo na nga 'yan. Hindi kayo maawa, babae at mas bata 'yan sa inyo." Singit ng isang kaibigan nila.
"Bakit ako titigil? Ito naman ang gusto niya, eh. Bakit 'to pupunta sa likod ng building na 'to ng mag-isa at isa pa, uwian na. Hindi ba halata ang gusto niya?" Lalo akong nagwala ng sinimulan niya akong hipuan.
YOU ARE READING
Enticed by Miranda Jadeite
RomanceMiranda Jadeite Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the second installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.