Enticed by Miranda Jadeite
Chapter 7
It's been a week since the news about Rio moving out of our school scattered. Maraming natuwa dahil doon, siguro ay dahil maraming galit kay Rio dahil bully talaga siya.
"If it wasn't for Miranda, Rio will still be around causing trouble on us!" Sabi ng isa kong kaklase.
"True! I'm relived one of those bullies was thrown out of school."
"Pinalabas pa ng mama niya na lilipat lang ng school si Rio pero ang totoo, pinatalsik naman pala!"
"Nakuha niya na ang matagal na dapat niyang nakuha! Ang mga pinagsumbungan daw kasing teacher ay tinatakot ng matandang hukluban kaya hindi agad nakarating sa ating principal at councilor."
I'm glad, someone aside from me was feeling good upon hearing that Rio will exit this school. Ang mga kaibigan niya ay hindi naman pinatalsik ng mga nakatataas, nasuspinde lamang dahil hindi naman daw sila kasabwat, tinatakot lang din ni Rio at kinokontrol para sundin siya.
Inilabas din ng isang kaibigan niya ang video kung saan nakuhanan ang aktuwal na pangyayari kung saan binalak niyang gawan ako ng masama. They all testify against Rio.
My older brother didn't say anything about it, he kept his mouth shut. Ate was crying when she heard the news, she was blaming her self for what has happened. Hindi ko alam kung bakit naisip niya na kasalanan niya ang nangyari kahit na si Rio naman talaga ang puno't dulo noon.
"Dad, my coach said I can go join the practice tomorrow." Maligaya kong salubong kay Daddy. Because of the incident, I became more open to him. Kusa ko ng sinasabi sa kanya ang mga nangyayari sa akin sa school, kung ano ang mga ganap at pagbabago.
My knees were completely healed. Walang naiwan na bakas doon dahil sa binigay na ointment ni Coach, pati ang nasa gilid ng aking noo ay nawala na rin.
"I know how much you miss doing that thing." Nginitian niya ako at tinanguan. Tumalikod ako para sana lumabas na pero naalala na bukas, pagkatapos ng practice ay inanyayaan na naman ako ni Callant.
"Dad?" I stood near his table. "Can I hangout with a friend? Bukas po sana..."
Kumunot lamang ang noo niya pero kalaunan ay tumango. "Just don't go somewhere without telling me. H'wag ka ring pupunta sa lugar kung saan hindi mo kayang depensahan ang sarili mo." I smiled and nodded at him.
Kinabukasan ay maganda ang gising ko. Nagkaroon na ulit ako ng gana na kumain. Pati sa eskuwelahan ay may mga kasabay na akong kumain tuwing recess at lunch.
I found friends. Most of them was part of Ate Nuri's squad. They were all nice and treat me as their friend. Kahit na dalawang taon ang tanda nila sa akin ay hindi naging sagabal iyon para magkaroon kami ng masayang relasyon bilang magkakaibigan.
About Jenna, she just got jealous about Callant. Akala niya ay may namamagitan sa aming dalawa ni Callant, nagselos at nagtampo raw dahil hindi ko siya sinabihan. Muntik pa nga siyang umiyak habang nagpapaliwanag pero nahampas na lang ako nang sabihin ko ang totoo, na... walang namamagitan sa amin ni Callant.
Callant and I, we're just friends.
"Hi, Mira!" May sumigaw mula sa itaas ng main building. Tumingala ako at nakitang si Ate Nuri iyon, kasama niya sina Ate Skye at Ate Lovi. Ngumiti ako sa kanila at kumaway rin.
"Sabay tayo mamayang lunch!" Sigaw ni Ate Lovi. Tumango ako at mas lumapad ang ngiti.
Magkakasabay naman ang lunch namin pero ang recess ay hindi, kaya madalas tuwing meryenda ay si Jenna ang kasama ko.
YOU ARE READING
Enticed by Miranda Jadeite
RomanceMiranda Jadeite Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the second installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.