Chapter 12

114 8 1
                                    

Enticed by Miranda Jadeite

Chapter 12

I made sure that Ate Nuri will stay as my friend but Callant's gone now. Hindi na siya nagpupunta sa aming classroom gaya ng dati. Sinunod nga niya ang sinabi kong h'wag na akong lalapitan. Hindi na nagkakasalubong ng tingin ang aming mga mata. Minsan, hindi ko namamalayan, nakatitig na pala ako sa kanya mula sa malayo. I was waiting for him to look at my way, just like he used to do but I already knew it won't happen again, now that he's with his girlfriend. Nagdilang anghel ata ako nang sinabi ko sa pinsan ko na may nililigawan na siyang iba, mas malala pa nga ang nangyari sa sinabi ko, girlfriend na agad.

I didn't stop coming to the same shop we used to have doughnuts. I was... hoping he's there so I can say sorry to him but the last time I went there, he's with his girlfriend. I saw him on the same shop, sitting on the spot, same food was on the table, the only difference is that, I'm not the girl he's staring at anymore.

Each passing day was a pure torture to me. Laging sumasakit ang dibdib ko tuwing magkakasalubong kami at hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Laging pinipiga ang puso ko tuwing nakikita silang magkasama. We never had a chance to do that, to roam around the school while holding each other's hand. I sighed, it's because I turned him down.

"Thank you," I smiled at the guy who cut my hair. Nasa salon ako ni Tita Jade dahil ngayong araw ang appointment ko para sa pagpapagupit ng buhok at pagpapaayos ng kuko. I want a new look before classes starts again. Semestral break was like three days away before it ends.

Kauuwi lang namin kahapon mula sa Palawan. We spent our break there, it was kinda nice and refreshing. Panandalian kong nakalimutan ang mga nangyayari sa buhay ko dahil sa maikling bakasyon na 'yon.

Habang tinititigan ang sariling repleksiyon mula sa salamin ay nanibago ako. Ang buhok kong unat ay hanggang balikat na lamang. My skin's also darker. I leaned towards the mirror as I check myself out.

"Miranda, are you done?" Tanong ni Ate sa akin. Humarap ako sa kanya at tumango. Her eyes grew larger and her hand flew to her mouth. "Wow, bagay na bagay sa 'yo. You look matured with short hair."

"I know," sagot ko. Parang naiba nga ang mukha ko nang magupitan na. I don't know if it's a problem though, I like how it came out.

Marami lang nanibago gaya ng mga kapatid at kaibigan ko. I posted some of my photos on social media and my mutuals feasted on it. Binaha ng iba't-ibang reaksiyon mula sa mga nakakita ng bago kong buhok.

Nang magsimula na ulit ang klase ay panay pa rin ang tanong sa akin ng mga kaklase ko kung bakit ako nagpagupit, pinagpipilitan nilang broken hearted ako.

"Maybe it's because of that soccer player." Nanliit ang mata ni Jenna habang lumalapit ang mukha sa akin. "Maybe you're broken because he's now in a relationship."

"Shut up, Jenna. I already told you, we're just friends." Sumimsim ako sa hawak na soda at nagpatuloy sa paglalakad patungong building namin.

"Right! Friends na nagyayakapan at naghahalikan. Friends na sweet sa isa't-isa, madalas pa ngang lumabas ng silang dalawa lang. Friends, huh?" Sumimangot lang ako sa kanya. Binilisan ko ang paglakad pero gano'n din ang ginawa niya para maabutan ako. "Bakit hindi na kayo nagpapansinan kung gano'n?"

"He's busy with his girlfriend." Umirap ako dahil pinipilit pa ako ni Jenna na alalahanin ang tungkol doon.

"Broken ka nga." Tumango-tango pa siya habang nakatitig sa mukha ko. "Kaibigan kita pero kahit kailan hindi ako nawalan ng time para sa 'yo! Ang suwerte na kayang maituturing kapag naging kaibigan ka ng isang tao."

Enticed by Miranda JadeiteWhere stories live. Discover now