Enticed by Miranda Jadeite
Chapter 41
Going home from work is tiring. Lalo na kung sobrang daming nangyari. I don't understand why rich people like me were urged to work harder. Is it because of the fear of losing money or maybe it's because of being lonely and alone. Nothing can satisfy me so I just focus my attention on work rather than thinking of him. Kapag inisip ko siya, hindi tatakbo ang araw ko... mapag-iiwanan ako.
Gaya ng nangyayari ngayon. Kanina pa tapos ang kasabay kong kumain. Kanina pa siya nakatulala sa akin at ang tanging pumipigil sa kanyang iwanan akong mag-isa sa hapag ay dahil sa turo ng aming magulang. Daddy and Tita Jade told us to not let anyone from our family to eat alone. Lalo na kung kayang-kaya naman naming samahan. Eating alone with a heavy heart can attract bad spirits. Maari raw kaming daluhan ng mga ito sa hapag na ayon sa kanila ay masama. Hindi naman kami takot mag-isa, mas takot kaming mapagalitan kaya sinusunod ko na lang at nakagawian na gano'n.
"Malapit nang mamuti ang buong mata ko rito, Mira. Matagal ka pa ba? Huwag kang magulat kung mamaya tulog na 'ko. Anong oras na..." bigla siyang humikab at nabasa pa ang gilid ng kanyang mata.
Parehong bumaba ang tingin namin sa aking plato na may ilang piraso pa ng karne. Walang sabi-sabi niyang kinuha ang tatlong piraso ng karne mula sa aking plato at sinubo ng sabay-sabay 'yon. He even licked his fingers which made me grimaced. Tinuro niya ang plato ko at sinenyasan akong ubusin na ang laman noon.
"You expect me to eat this?" Tinulak ko ang plato ko at ngumiwi sa kanya. "Busog na 'ko, ikaw na ang umubos niyan."
"Hindi ko naman nahawakan 'yong iba. Hindi 'yan contaminated." Tinusok-tusok niya ng tinidor ang ilang karne na naiwan na lalong nagpangiwi sa akin. I don't usually feel like this, maybe it's because it's Jack I'm spending time with. Madali akong mairita kapag sa kanya dahil bata pa lang ako, lagi na niya akong inaasar. Dati, natatagalan ko ang pagkuha niya basta-basta ng pagkain ko, ngayon, hindi na. Wala sa lahi namin ang maramot kaya ibibigay ko na sa kanya lahat.
"Ex mo talaga 'yon, 'no? Naalala ko noong bata ka pa, tumatabi lagi sa 'yo sa mga party 'yon."
"Napansin mo 'yon?" I asked sarcastically. He cringed his nose and swallowed the meat.
"Hindi ako tanga 'no. Alam ko ngang dati mong asawa 'yon, eh. Ano? Akala mo, ah?"
My eyes grew larger. Nahampas ko ang lamesa at dinuro siya. "You! Paano mo nalaman 'yon?!"
He crossed his arms and smirked at me. "Dahil tanga si Ace at nahuli ko? O sadyang matalino lang talaga ako."
"What do you mean? Nahuli mo?"
"Joke. Sa tingin mo talaga wala akong kuwentang pinsan? I stalked all the girls around whenever I'm free." Binulong pa niya ang huling sentence na sinabi. "Nakita kitang pumunta sa bahay noong Garcellano galing school, paano ko nalaman na kasal kayo? Wala, nasabi ko kang kanina. So, dati mo talagang asawa 'yon at kinasal ka talaga?"
He tricked me! Ang gagong lalaki na 'to, pati ako pinaglalaruan!
"Ano ngayon kung oo?"
Nasapo niya ang bibig. "Uunahan niyo talaga kaming mga lalaki? Nauna si Yra, tapos ikaw, tapos muntik na si Amanda! Hindi na ako magugulat kung kinse pa lang si Dawn may asawa na!"
"H'wag mo ngang idamay si Dawn dito!" Hinampas ko ang kamay niya na nasa lamesa.
"Alam mo ba 'yong biro? Hindi ka mabiro? Bunso 'yon, talagang malilintikan sa akin ang aaligid doon." Hinimas pa niya ang kanyang braso.
"Si Kuya Regan ang gagawa no'n, hindi ikaw. Feeling mo naman!"
"Feeling mo naman!" He mocked me. "Ayan, tingnan niyo tuloy ang nangyari sa inyo. Maagang kinasal o maagang binalak magpakasal, saan napunta? Hiwalayan din."
YOU ARE READING
Enticed by Miranda Jadeite
RomanceMiranda Jadeite Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the second installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.