Chapter 6

149 10 2
                                    


Enticed by Miranda Jadeite

Chapter 6

Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumayo na para isiwalat ang ginawa sa akin ni Rio. Nasapo ni Tita Jade ang kanyang bibig habang namayani naman ang galit na reaksiyon kay Daddy. Kumuyom ang kamao niya at halos manginig na sa galit.

"What did you say, Miss Marcus?" Tanong ng guidance councilor habang inaayos ang kanyang salamin.

"R-rio harrased me! I have witnesses who can testify that what I'm saying is true! Nang hapon pong iyon ay hinarang ako ni Tristan Laceste, pinilit din po niya ako at siya ang nagsabi na kay Rio mismo nanggaling ang mga masasamang salita na kumakalat tungkol sa akin. Pinuntahan ko po si Rio para kausapin tungkol doon pagkatapos ng aming practice. I admit I acted violently, I grabbed him by his collar but it's all because I got really angry. Kung ano-anong sinabi niya sa akin at binalak pong gawan ako ng bagay na hindi maganda. He's with his friends that time. Rio even asked one of his friends to record us while he's doing what he wants to. Doon ko po sinampal si Rio at nakatakbo ako palayo sa kanila. Someone helped me. Sila po ang tumulong sa akin mula kay Rio at sa mga kaibigan niya."

Sa umpisa ay natatakot pa akong malaman ni Daddy ang tungkol doon pero ngayong nasabi ko na iyon ay gumaan ang aking pakiramdam. Parang sinasabi ng kalooban ko na h'wag nang mag-alala dahil may tutulong sa akin at matatapos din ito.

"Sino 'yong tumulong sa 'yo, Miranda?"

"Greg Taniegra, Caspian Silvestre, and... Callant Hughes." I bit my lower lip after I stated his name. Nababaliw na ata ako dahil may kung anong lumukob sa aking tiyan sa gitna ng pangyayaring ito. What's wrong with me? Kumain naman ako kanina.

"Papuntahin mo ang mga estudyanteng sinasabi ni Miranda rito," utos ng principal sa kanyang secretary, sumunod naman agad ito at lumabas na.

Biglang nangatog ang tuhod ko nang marinig iyon. Papupuntahin sila rito at... ngayon na?! Inalalayan ako paupo ni Tita Jade.

Sinapo ko ang aking pisngi para tingnan kung may luhang tumulo galing sa aking mga mata pero nagulat ako nang wala akong nasalat na basa. I didn't cry.

Si Tita Jade naman ngayon ang nagpapakalma kay Daddy. He kept on muttering curses at himself. Kinakausap si Rio ng kanyang nanay at halatang gigil na gigil ito sa kanya, siya naman ay namumutla at pinagpapawisan na.

When the door opened my heart almost explode. I placed my hand on my heart, it's beating really fast, I can almost hear it despite the whispers scattering on this room.

Sunod-sunod ang pagpasok nila, nauna si Greg, sumunod si Caspian at huli si Callant. Pinaupo sila sa kabilang dulo ng mahabang lamesa. I was waiting for him to look at me but when he did, I tore my eyes from him. Naalala ko ang pag-uusap namin kahapon, hindi naman na ako nahihiya sa kanya habang kumakain kami pero bakit ngayong nagkita ulit kami ay pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa kaba.

"You're Greg Taniegra, Caspian Silvestre, and Callant Hughes, am I right?" Tanong ng guidance councilor sa mga bagong dating. Magalang silang sumagot dito. I didn't tried to look at him again. "Miss Marcus said that you can testify to what she said. Totoo bang tinulungan ninyo si Miss Marcus mula kay Rio at sa mga kaibigan nito?"

"Yes, we did." Caspian was the one to answer it vocally. Tumango lang kasi ang dalawa niyang kasama.

"Anong ginagawa niyo sa school nang oras na 'yon at paano niyong tinulungan si Miss Marcus?"

"We were cleaning that time when Callant heard noises from the back of our building." Again, it was Caspian.

"Tiningnan po namin kung anong nangyayari roon. Naalala ko po kasi na madalas si Rio at ang mga kaibigan niya roon kaya nag-alala kami na baka may ginagawa nang hindi maganda ang mga ito. Salamat na nga lang po talaga at narinig ni Callant iyong ingay. Nakita po namin si Miranda na umiiyak at puro sugat."

Enticed by Miranda JadeiteWhere stories live. Discover now