Enticed by Miranda Jadeite
Chapter 10
Katatapos lang naming magperform sa harap ng mga kaeskuwela at mga kawani ng paaralan nang matanaw ko sa pinakababang hilera ng bleachers si Callant, nakatayo na siya at seryoso ang mukha. His eyes were fixed on me. Mabilis akong tumakbo patungo sa aming locker room nang mapagtantong lalapit siya sa akin.
I heard them calling me from behind but I didn't waste my time looking back at them. Maaabutan ako ni Callant kung bibigyan ko pa sila ng atensiyon, ayaw ko munang siyang makausap.
Bago ko binuksan ang pinto ay saglit kong nilingon ang mga nagkakasayahang estudyante. Malamang ay magpapakalat-kalat lamang sila dahil walang klase ngayong araw.
Huminga ako ng malalim at sumandal sa kasasarado lamang na pinto. I also don't want to talk to Ate Nuri so I must avoid her for now. I'm scared to confront her. She's really nice towards me and the thought that she befriended me just because she likes Callant never crossed on my mind. Mabait naman na talaga siya sa akin noon pa man, bago pa ako ligawan ni Callant.
Muntik ko nang makalimutan na ako nga pala ang nakipagkaibigan sa kanya, siya man ang parating nauunang kumausap sa akin, ako pa rin ang siyang lumapit para makipagkaibigan sa kanya, sa kanila.
I should stop doubting everyone around me. Nang unang pinaghinalaan ko si Jenna, nagtatampo lang pala siya at hindi ko man lang nagawang lapitan para tanungin kung anong problema, kabod ko na lang inisip na gano'n nga. Hindi ko man lang sinubukang ayusin ang relasyon namin na akala ko noong una ay panandalian lamang. I was wrong about Jenna. Ayokong mangyari ulit 'yon, lalo na kay Ate Nuri.
"Miranda?" May tumawag sa akin mula sa labas at kinatok ang pinto. Alam kong si Ate Nuri iyon dahil sa malambing nitong boses.
Pinasada ko ang kamay sa aking buhok at ngumiti bago binuksan ang pinto para sa kanya. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha niya.
"Bakit bigla ka na lang tumakbo kanina? May naghahanap sa 'yo." Bungad niya sa akin.
Nawala ang munting ngiti ko nang makitang nasa likod niya si Callant, nakapamulsa at seryoso ang mukha.
"Magpapalit na sana ako ng damit." Sagot ko kay Ate Nuri bago tumingin kay Callant. "B-bakit?"
Naramdaman ko ang palipat-lipat na tingin sa amin ni Ate Nuri. "Maiwan ko muna kayong dalawa. Kita na lang tayo mamaya, Mira."
Tumango ako nang tinapik ni Ate Nuri ang aking balikat. Parang wala namang mali sa inaakto niya. Nang umalis si Ate Nuri ay saka lamang ako nakaramdam ng awkwardness kasama si Callant simula nang niligawan niya ako.
"You're looking for me?" I asked. Pakiramdam ko kasi ay nagmumukha na akong tanga habang nilalaro ang mga daliri at nag-iiwas ng tingin, siya naman ay hindi nagbago ang postura at ekspresyon ng mukha.
"You ran away from me." He said, it wasn't even a question or a guess. Para bang siguradong-sigurado siya sa sinabi niya.
"N-no. Magpapalit lang talaga ako ng damit." Pagsisinungaling ko.
"Your friends are still there. Hindi raw muna kayo magpapalit dahil may gagawin pa kayo."
"Gagawin?" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam ang sinasabi niya.
"That's what I heard. Bakit nandito ka para magpalit? I'm sure you ran away after seeing me. What's wrong?"
I hate confrontations. Lalo na kapag hindi ako handa, lagi na lang akong nauutal at hindi maayos ang lumalabas sa aking bibig kaya minsan ay nagtutunog sinungaling ako.
YOU ARE READING
Enticed by Miranda Jadeite
RomanceMiranda Jadeite Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the second installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.