Chapter 5

168 13 15
                                    

Enticed by Miranda Jadeite

Chapter 5

"This is actually my first time here." Nahihiya kong pag-amin sa kanya.

"Kumakain ka naman ng mga ganitong pagkain, 'di ba?"

"O-of course!"

"Why don't you try the butternut? It's my favorite." Binaba ko ang tingin ko sa plato ko. Butternut? Which one is it? Binalik ko ang tingin ko sa kanya at ngumuso. Tinukod niya ang siko sa lamesa at tinuro ang tinapay na kulay orange at brown. "That's the butternut."

The weird looking one is his favorite! Kaya naman pala pinapatikim sa akin.

"Hindi ka ba kumakain nito? Ayaw mo?" Nag-alala bigla ang boses niya pero ang mga mata, seryoso pa rin.

"Hindi naman." Humiwa ako ng parte nito at sinubo agad. I put my hand on my lips when the flavor exploded on my mouth. I've never tasted this before but it's really good.

Inabutan niya ako ng tissue at tubig pero imbis na tanggapin iyon ay natawa ako dahil sa ginawa niya. "I like it." Pag-aamin ko para hindi na siya mataranta.

"I thought you don't like it."

"No, I really like it. Ngayon lang ako nakatikim nito pero masarap."

I didn't know how long I spent my time with him. Ngayon lang ako naging ganito kauhaw sa kausap. Kaya nang napansin kong tiningnan niya na ang kanyang orasan ay bahagya akong nalungkot.

"I'm finished. We can go home now." Sabi ko kahit labag naman sa kalooban ko. Nauna siyang tumayo kaya sumunod na ako. "Thank you for today."

"Yeah, see you next time." He tapped my head and waved at me. Hinawakan ko ang ulo ko kaya hindi ko nagawang kumaway sa kanya pabalik. Nang makasakay siya sa kanyang sasakyan ay saka ako naglakad patungo sa aming sasakyan.

Hindi mawala sa isip ko ang ginawa niyang pagtapik sa aking ulo. Pinigilan ko ang ngiti habang papasok ako ng mansiyon. Sana maulit muli 'yon. I want to spend more time with him. Noong una ay kinakabahan pa ako pero nang tumagal na kaming nag-uusap ay nakampante ako. Maybe it's because he knew and understood my concerns.

Yeah, see you next time.

Nag-init ang pisngi ko nang maalala ang sinabi niya. There's next time! Tinakpan ko ang aking bibig at humagikgik. Kahit nang nasa hapag na kami ay hindi pa rin nawala ang magandang pakiramdam ko.

"Miranda..." bulong sa akin ni Ate. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Kinakausap ka ni Daddy."

"H-huh?" Bumaling ako kay Dad at kinabahan bigla. "S-sorry, I didn't get it."

"I was asking how's your knees?" Ngumiti siya sa akin pero hindi ko nagawang suklian iyon.

"Oh, it's fine, Dad." Maikling sagot ko at bumaling na ulit sa pagkain.

"Anong sabi ng coach mo? Kailan ka raw puwedeng bumalik sa pag-eensayo?"

"Kapag gumaling na raw po ang sugat ko."

"I'm actually fixing my schedule. Para makapanood ako sa mismong laban ninyo." Tumango na lang ako dahil sigurado akong hindi rin naman siya makakapunta.

Last year, he said that too but only Tita Jade, Tita Yssa, Yra, Marquise, and Marquee came. He didn't show up. I don't want to expect too much from him. He's busy, I get it but I still wonder why he doesn't have time for me, when it comes to my older and younger siblings, he always have his time. I slightly got used to it so I don't feel jealous everytime. Minsan na lang kapag sobra na at hindi ko matiis. Life's unfair, I can't do anything about that.

Enticed by Miranda JadeiteWhere stories live. Discover now