Enticed by Miranda Jadeite
Chapter 18
"Mira?"
"H-huh?" Muling natawa si Axel nang makita ang ekspresyon kong nalilito dahil hindi nasundan ang sinasabi niya.
"Sabi ko gusto mo bang kumain doon?" He pursed his lips to point the restaurant I was staring at.
"A-ayos lang naman. Gusto mo ba do'n?"
"Ayos lang din, ikaw kasi, kanina ka pa nakadungaw sa kainan na 'yon, eh."
"May nakita lang." Isang beses ko pang tinapunan ng tingin si Callant na kumakain kasama ang mga pinsan niya at ang tiyahin niya. I don't remember their names though.
We went in and Axel asked for a table for five persons. I looked at him, puzzled.
"Bakit panglimahan? Dalawa lang tayo."
Bumaling siya sa akin at ngumisi. "Secret."
When we were ushered to the table near Callant's, my sweat started to form. I don't think this is a nice move. Bakit ako pumayag na dito kumain?!
Matalim kong tiningnan si Axel. Sure, he knows about Callant but he doesn't know him!
"Mamaya na tayo mag-order pagdating nina Alex?" Pumaling ang ulo ko at napaisip... of course, Miranda! Axel is not the type of guy who will tease you!
"Pupunta sina Alex?" Bumuntonghininga ako at pinunasan ang pawis gamit ang panyo. Inayos ko ang medyo may kahabaang buhok at pinatong ang magkabilang siko sa lamesa.
"Oo, kasama si Jenna pati boyfriend niya." Umirap ako nang banggitin niya iyon. That creepy guy again.
"Pasukan na pala next week. Ang bilis lumipas ng araw."
"Masyado ka kasing masaya."
"You mean to say?" Kinuha niya ang cellphone at kinuhanan ako ng litrato. "You look great here."
"I mean, when you're happy you tend to forget or notice your surroundings. Kaya kapag lumingon ka saglit parang ang bilis ng oras, pero gano'n din naman katulad ng paghihintay natin kina Jenna ngayon." Sagot ko habang tinitingnan ang kuha niyang litrato sa akin. Binalik ko sa kanya 'yon at sinapo ang pisngi gamit ang likod ng kamay para maiba ang anggulo ng mukha.
"Sabagay... may point ka naman." Nagpatuloy ang kuwentuhan namin at ilang minuto lang ang lumipas ay dumating nga sina Alex at Jenna kasama ang boyfriend nito.
"Haaay... I feel sad!" Salubong ni Alex. "Para akong third wheel nito. Kaya ayaw kong sumasama sa inyo, eh."
Pinagtawanan siya ng kanyang pinsan at sinundot sa tagiliran. "Sabi ko naman kasi sa 'yo, humanap ka na."
"What do you mean, Alex?" Tanong ni Axel na kinairap ng mata ni Alex.
"Sina Jenna at Cam, tapos ikaw saka si Mira." Umirap ulit siya at naiiling na binuksan ang menu, binalewala ang sinabi ni Jenna.
"Huh? Si Axel at Mira? Tulog ka pa ba, Alex?" Nangingiwing sabi ni Jenna. I feel the same way, Jenna! "Ang weird mo, kaya walang lumalapit sa 'yo, eh."
"Ako pa talaga ang weird? Kung may weird dito si Axel 'yon!"
"Oh, bakit naman ako?"
"I keep on pushing you to Mira pero iniiwasan mo! Mas gusto pa 'yong kabaliktaran niya, walang taste at baduy. I'm telling you, Mira will be a good sister-in-law to me!"
"Good sister-in-law to you but not a good girlfriend nor wife to me. Kung gusto mo, ikaw na lang." Sinimangutan ko si Axel. Hindi pa naman niya nasubukan kaya paano niya nasabi 'yon?
YOU ARE READING
Enticed by Miranda Jadeite
RomanceMiranda Jadeite Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the second installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.