Enticed by Miranda Jadeite
Chapter 37
Ever since I was disregarded by Jolly Gerona, the fashion designer and professional makeup artist who casted me before, my name kept on ringing because she got into an issue. Nadadawit ang pangalan ko dahil ayon sa mga nagsasabi, isa raw ako sa mga pinahiya niya. Someone posted a compilation of videos of her, bullying and harassing her staffs and some models.
I know there's no place of huge mistakes in this industry but is it really a must to deprive someone their chance to improve? Ang dami niyang sinesanteng tauhan dahil lang sa simpleng pagkakamali, ang dami niyang tinanggal na modelo sa mga shows niya dahil lang mga baguhan pa. If she wants a perfect show then hire the most professional and veteran models, the most prestigious ones, the highest paid ones. Ang iba sa mga iyon kahit hindi kagalingan, magiging maingay ang show dahil mga sikat.
"She's really mean." Bumuntonghininga ako at tinigil na ang panonood sa mga videos. Saktong pagkarasa ko ng laptop ay ang pagbukas ng pinto ng kuwarto at pumasok si Callant.
He took his shirt off and went to the shower. I'm glad he's not into things I want. Kung hindi, malalaman niya lahat ng nangyayari sa akin, gaya ni Axel. He called me last night and asked if I was okay. Gano'n din si Mommy at Tita Jade.
Tumayo ako at tinanggal ang towel na nasa ulo para makapagpatuyo na ng buhok. Nagtungo ako sa vanity at nagpahid ng moisturizer sa mukha at lotion sa katawan. Inaayos ko na ang mga ginamit nang lumabas si Callant, nakatapis ng tuwalya sa baywang at nagpupunas ng buhok gamit ang puti at mas maliit pa na tuwalya.
"When are you going to Hawaii? Tumawag ulit si Tita Callie kaninang tanghali. She said she misses you." Pagbubukas ko ng usapan tungkol sa mama niya na lagi niyang iniiwasan.
"I'll just give her a call tomorrow."
Then the room was filled with dead air. Nang takpan ko ang lotion ay lumikha ito ng ingay na kinaasar ko. Muli ko siyang nilingon. "Why don't you just visit her? A week won't hurt your schedule. Maybe on summer vacation?"
He shook his head and went near me. Kinuha niya ang hair brush ko at sinuklay ang sarili. "I still don't know when. Marami pa akong inaasikaso."
"Like expanding the resto?" Tiningala ko siya at tinaasan ng kilay. His eyes went down on me. Tinukod niya ang isang kamay sa table at ang isa ay sa sandalan ng aking upuan.
"Like expanding the resto and preparing for our future." Mabilis niya akong pinatakan ng halik sa labi at kumuha ng damit sa kanyang cabinet.
Ever since I started living with him, he made all the adjustments for me. Ang mga damit niya sa walk in closet ay nilipat niya sa kuwarto para mailagay ang mga damit ko. Hindi ko nga alam kung paano niya napagkasya 'yon, mabuti nga at hindi ko dinala lahat dahil makakahalata si Ate kapag umuwi siya. Ang mga gamit din niya sa kuwarto ay sinulok niya para mailagay ang vanity ko at iba pang gamit. Ang estante ay naging tatlo, isa sa kanya at dalawa ang pinaglalagyan ng aking mga bag.
One time, I joked about having a kid and asked him where we will put him or her, he said he'll throw all of his gym equipments out of the house so we'll have a room for the baby. Kahit biro lang 'yon, totoong natuwa ako dahil sa sinabi niya.
Dahil sa takot kong maulit ang nangyari noong nakaraan, nagpahinga muna ako sa pagmomodelo. I focused more on my studies and on Callant. He's really busy so I always make sure I have time to help him or assist him sometimes. Minsan ako ang nag-aayos ng schedule niya, pati sa paglalakad ng ibang papel na kailangan niya ay tumutulong ako. Ako na rin ang nag-aalaga ng mga pusa kahit ayaw sa akin ni Misty, wala naman siyang magagawa dahil masyadong abala ang guwapo niyang amo para lambingin siya.
YOU ARE READING
Enticed by Miranda Jadeite
RomanceMiranda Jadeite Marcus Series [DANAUS] | COMPLETED | ▪ ~ ▪ This is the second installment of Marcus Series under DANAUS. This story contains mature scenes which are not appropriate for young and sensitive readers. Read at your own risk.