Chapter 19

90 4 0
                                    

Enticed by Miranda Jadeite

Chapter 19

The day after my birthday I have classes. Tinatamad akong pumasok dahil napuyat kagabi. Sana pala weekend na lang nagcelebrate para kung mapuyat man, may linggo naman kinabukasan.

"I heard Jenna likes to flirt with older men. Bukod sa boyfriend niya nagpapapansin pa sa ibang lalaki."

Kumunot ang noo ko habang nakikinig sa mga chismosang babae na 'to. Magsisimula na naman sila.

"Totoo ba talaga 'yon? She looks decent naman para sa akin."

"Akala mo lang dahil mayaman! Pareho lang sila ni Miranda."

"Right, narinig ko marami pa lang nanligaw doon? Hindi naman siya maganda para sa akin."

"Maganda naman kaso nga lang pangit ugali. I heard pinagsabay-sabay niya ang mga dati nating seniors, sina Rio, Tristan, at Callant!"

Huh?! Pinagsabay-sabay ko?!

"Kilala niyo ba si Marky? Nabalitaan ko umamin kay Miranda 'yon kaso hindi pinatulan at nilait pa raw kaya, ayon, lumipat ng school dahil sa kahihiyang inabot nito dahil sa panglalait ni Miranda."

"Kawawa naman pala inabot no'n! Eh si Body nga raw sinuntok ni Callant dahil lang kay Miranda. Look what she's doing, naninira pa ng pagkakaibigan."

Talaga bang sa comfort room sila nag-uusap tungkol doon? Malas lang dahil narinig ko at mali-mali ang pinagsasabi nila! Ayaw ko sanang pansinin kaso sobra na sila sa bintang at chismis nila tungkol sa amin ni Jenna.

"I wonder where you got that. Sana kung magsasabi kayo ng masama tungkol sa amin ng kaibigan ko, siguruduhin niyo munang totoo at kapani-paniwala naman. You don't personally know Jenna and you don't have the right to say such things to her." Kalmado kong sabi sa kanila at humalukipkip.

Natatakot naman silang yumuko at hindi nakapagsalita. Now what? Ang lakas ng loob nilang magsalita kanina, ngayong kinakausap ko sila wala na silang imik?

"What you're saying is not true and you better stop spreading those further. Better shut your mouths because you don't know a single thing about the truth." Matapang kong sabi sa kanila saka lumabas ng comfort room.

Ang mga chismosa talagang 'yon! Hindi natitigil hangang hindi pinagsasabihan. I bet they'll stop for days and will be back at it again.

Pabalik ko sa classroom ay natahimik ang klase. I saw Jenna looking down at her notes, which she rarely does. Hindi ko pa siya nakitang nag-aral tuwing break, ngayon lang. I eyed my classmates. Titingin sa akin tapos biglang babalik sa kausap.

Naglakad ako palapit sa kaibigan habang nakikinig sa usapan ng mga kaklase. I didn't pay too much attention to them because clearly, they don't deserve it on the first place.

"Did you heard the gossips?" Jenna asked loudly upon seeing me.

"Don't mind them. Alam naman nating dalawa na hindi totoo 'yon."

"Sabi nila pinagsabay-sabay mo raw sina Callant, Rio, at Tristan? Hindi nila alam sila kusang lumalapit sa 'yo at ang tanga-tanga, magkakalat ng balita mali naman." Bigla siyang tumayo at humarap sa mga kaklase namin. "Stop talking ill of Mira will you? Hindi niyo alam kung anong pinagdaanan niya, hindi pinagsabay-sabay ni Mira ang mga lalaking 'yon. Kung hindi niyo pa alam, eh 'di sasabihin ko sa inyo ang katotohanan, para na rin matahimik 'yang mga walang kuwenta niyong bibig. Noong hindi pa namin kayo kaklase, may mga kumakalat na ring ganyan tungkol kay Miranda. Rio is a bully and he harassed Miranda that's why he's no longer here. Si Tristan ang may pinagsabay na babae! May niligawang iba habang nililigawan noon si Miranda. At 'yong kay Marky, hindi na kaya ng magulang niya na suportahan 'yong tuition niya kaya siya lumipat ng school."

Enticed by Miranda JadeiteWhere stories live. Discover now